16/07/2025
๐๐๐๐: |๐๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ข๐๐ฐ๐๐ฅ, ๐ง๐ข๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ - ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐ก๐๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐'๐ง๐๐ฅ๐๐ค ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ
Koronadal City- Nasa 91 indibidwal na ang nirespondehan na ng Incident Monitoring Team (IMT) - South Cotabato sa nagpapatuloy na 26th T'nalak Festival at 59th Foundation Anniversary ng lalawigan ng South Cotabato.
Sa isinagawang press conference ng IMT- South Cotabato, inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) - South Cotabato Rolly Doane C. Aquino, R. N., MPA, MMNSA, karamihan sa mga indibidwal na nirespondehan ay nakaranas ng pagkapagod, pananakit ng katawan, pagka-uhaw, at panghihilo dahil sa naranasang pagod.
May iilang isinugod na rin sa ilang ospital ngunit ligtas na rin ang mga ito.
Katuwang ng PDRRMO-South Cotabato ang Bureau of Fire Protection at South Cotabato Police Provincial Office at maging ang 38th Infantry Batallion, Philippine Army.|via MSDN