03/09/2025
Iniwanan ko ang boyfriend Kong janitor, ngayon AFAM na ang asawa ko..
Baka mapulutan ito ng aral at inspiration ng iba.
Hi Ambenture, Ako si Marian, 27 yrs old, taga-Quezon City. Bago niyo ako husgahan, pakinggan niyo muna ang kwento ko.
Noong college pa lang ako, naging boyfriend ko si Christian. Mabait siya, seryoso, at mahal na mahal ako. Ang problema? Janitor siya sa isang university dito sa QC. Pero magkaiba yung sa school ko at sa workplace Niya.
Hindi ko siya ikinahihiya, pero sa totoo lang lagi kong naiisip, βHanggang kailan kami aasa sa sahod niya? Ganito na lang ba talaga ang magiging buhay ko Pag nagkataon?β
Kasi as in wala siyang balak mag-grow!
Habang ang mga kaklase ko ay nagkaka-boyfriend ng mga professional, ako ay nakikipag-date sa isang lalaking palaging pawisan sa uniporme, naglilinis ng sahig, at nagdadala lang ng tapsilog o kwek-kwek kapag anniversary.
Umabot kami ng dalawang taon. Pero sa tuwing nagfo-focus ako sa future, lagi kong nararamdaman na para akong naiiwan. Kaya isang araw, diretsahan ko siyang iniwan. Sabi ko:
βChristian, mabait ka sobra at alam mong minahal kitaβ¦ pero hindi kita nakikitang kasama ko habang buhay. Gusto ko ng mas komportableng buhay. Kasi wala ka man lang plano sa buhay mo, ni wala Kang ginagawang paraan para umangat ka. Hindi tayo bumabata at ayokong maranasan ang Isang kahig isang tukaβ
Umiiyak siya at nasaktan alam ko, pero hindi ko na inintindi. Ang nasa isip ko lang: βKung mahal ko talaga ang sarili ko, kailangan kong piliin ang mas maganda at mas sigurado.β
After two years, nagturo ako ng English online. Doon ko nakilala si George, isang AFAM na Australian. Gentleman, maalaga, at higit sa lahat hindi problema sa kanya ang pera. Nagkita kami nang pumunta siya sa Pilipinas, at ilang buwan lang, nag-propose siya. At ngayon, asawa ko na siya.
Alam ko na para sa iba, mukha akong matapobre. Pero sa totoo lang, practical lang ako. Si Christian, oo, mabait siya. Pero si George? May bahay kami sa BGC ngayon, may sasakyan, at hindi ko na kailangang mag-alala kung saan kukuha ng pambayad sa bills.
At eto ang pinakamasarap sa lahat: Minsang nagtagpo kami ni Christian sa mall. Naka-uniporme pa rin siya ng janitor, habang ako naman ay naka-designer bag at kasama ang asawa kong AFAM. Kitang-kita ko ang lungkot at gulat sa mukha niya.
At sa isip ko, sabi ko lang: βButi na lang iniwan kita, Christian. Dahil kung hindi, hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng buhay.β
Kaya kung sa tingin niyo masama ako, bahala kayo. Pero ako? Masaya ako sa naging desisyon ko.
Reality check: Hindi ako ipinanganak para magtiis sa tapsilog habang ang iba ay nagbabakasyon sa abroad. Kaya kung may chance na umangat ka, bakit mo pa pipigilan ang sarili mo?
Para sa mga magko-comment ng βpera lang habol moβ sabihin niyo na lahat. Pero habang abala kayo sa pag-judge, ako? Nasa BGC condo, may designer bag, at nagka-cappuccino habang kasama ang asawa kong AFAM.
Masakit ba? Sorry na lang. Hindi lahat ng babae kontento sa pa-kwek kwek at pa-fishball date. Hindi ako mayabang, real talk lang ito.