07/09/2024                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Mapa-litrato man sa kamera o laman ng tula,
Ikaw ang aking paboritong paksa,
Kagandahan mo ay higit pa sa mga tala,
Ikaw ang aking pinakamakinang na obra;
Ikaw ang kabilang bahagi ng aking kaluluwa,
Walang sinumang makakasira sa ating dalawa,
Walang kahit sino man mula sa nakaraan natin ang makakasira
Dahil tayong dalawa ngayon ay para sa isa't-isa.
Handa kong ialay sa'yo ang musika,
Hindi man magagandang ang aking metapora at gramatika,
Ngunit sobrang ganda ng iniaalay ko sa'yong pagmamahal;
Handa akong pagsilbihan ka,
Paglingkuran ka;
Ang pangako natin sa isa't-isa'y magkasamang tatanda,
At aking paninindigan iyon sa abot ng aking makakaya.
Aking iingatan at ipagtatanggol ka,
Poprotektahan kita at hindi hahayaang masira ka ng iba,
Ang pagmamahal ko sa'yo ay tunay, tapat at buong-buo; iyon ang aking pangako sa Dakilang Lumikha.
Mahal na mahal kita, aking prinsesa 🤍🖤