09/10/2025
LAUNCHING NG LGRC SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, BAYAN NG LABO NANGUNA!
Isang makabuluhang pagkilala ang muling nakamit ng Bayan ng Labo matapos itong tanghalin bilang Nanguna sa Search for Best Local Governance Resource Center (LGRC) sa buong Lalawigan ng Camarines Norte nitong araw ng Huwebes, Oktubre 9, 2025 sa SM City, Daet, Camarines Norte.
Ang nasabing parangal ay iginawad kasabay ng Launching ng LGRC na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government β Camarines Norte (DILG CN) sa pamumuno ni Provincial Director Melody Relucio, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Local Government Code.
Sa aktibong partisipasyon ng Labo, nagtulong-tulong ang mga tanggapan ng Mayor's Office (MO), Office of the Municipal Agriculturist (OMAG), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC), Tourism Office, at Museo de Labo upang maayos na maipakita ang mga inisyatiba, programa, at tagumpay ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa naturang programa sina DILG Regional Director Atty. Arnaldo Escober at Acting Governor Joseph V. Ascutia, na kapwa nagpahayag ng pagbati at paghanga sa natatanging pamamalakad ng Bayan ng Labo.
Ipinahayag ang taos-pusong pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Labo sa pangunguna ni Mayor Severino Jojo Francisco, Vice Mayor Alvin Galvez Bardon at Sangguniang Bayan sa lahat ng bumubuo ng mga nasabing tanggapan sa kanilang dedikasyon at pagkakaisa na nagbigay-daan upang kilalanin ang bayan bilang huwaran sa mahusay na pamamahala at serbisyong pampubliko.
Kung kaya't, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Labo na maglingkod nang tapat, mahusay, at makabuluhan para sa kapakanan ng bawat LaboeΓ±o.
βοΈ: RP50-DN
πΈ: Mayor Jojo Francisco