05/07/2025
πππ
πππ πππ₯ππ¬ ππππ¨ππ’ π‘π ππππ§, π£ππ¦π’π π‘π πππππ‘π ππ₯ππ‘π πππ‘ππππ¦π§ π‘π π§ππ‘ππππππ‘ π‘π πππ π£ππ’π‘
Pasok na sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon ang pambato ng Camarines Norte na si Kimberly Baluzo matapos makapagtala ng walong sunod-sunod na panalo sa nasabing kompetisyon.
Matagumpay na nadepensahan ni Kimberly ang kanyang korona sa loob ng pitong magkakasunod na round. Sa kanyang ika-walong laban, sumalang siya sa Hamon ng Kampeon kung saan hinarap niya si LA Escobar.
Sa huli, si Baluzo ang idineklarang panalo sa pamamagitan ng 12 stars, isang puntos ang lamang kay Escobar. Dahil dito, opisyal na siyang kinilala bilang isa sa Top 5 Kampeon at kabilang na sa mga aabangan sa grand finals ng programa.
Ayon kay Baluzo, kahit nakapasok na siya bilang Grand Finalist, patuloy pa rin ang kanyang laban dahil may maaari pa ring humamon at umagaw sa kanyang pwesto.
βοΈJillian Pano, Brigada Intern
πΈCONTRIBUTED PHOTO