Dong Padilla

Dong Padilla Matapat na serbisyo, hindi posisyong pangnegosyo—ito ang aking pangako bilang Gobernador.
(3)

02/06/2026

Sa bawat pagkakataong mayroon po tayong kakayahang mapagaan kahit kaunti ang pinagdaraanan ng ating mga kababayan, tungkulin po nating gawin ito. Ang bagong OPD Waiting Area po na ito ay magdadala ng kaginhawaan sa ating mamamayan habang naghihintay ng serbisyong medikal mula sa ating pagamutan.

Kasama po ang buong Pamahalaang Panlalawigan, patuloy po nating isinusulong ang mga serbisyo at programang may dangal at malasakit, dahil para po sa atin ang tunay na sukatan ng pag-unlad ay kung paano natin inaalagaan ang mga kababayang higit po na nangangailangan.

Bago po matapos ang araw na ito, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng pagbati...
02/06/2026

Bago po matapos ang araw na ito, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng pagbati at pakikiisa sa aking kaarawan, lalo na sa aking minamahal na pamilya na naghanda ng napakagandang birthday surprise para sa akin. Lalong higit sa akin pong maybahay na si Shenet at sa aking mga anak na sina Anica, Don, at King. Lubos po akong naantig at napasaya sa inyong pagmamahal, oras, at pagsisikap upang gawing tunay na espesyal ang aking kaarawan.

Taos-puso rin po ang aking pasasalamat kay Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, sa ating mga alkalde, mga bokal, mga kaibigan, taga-suporta, at mga kasamahan sa opisina na naglaan ng kanilang oras upang makiisa at makibahagi sa pagdiriwang. Ang inyong presensya, pagbati, at patuloy na suporta ay isang malaking biyaya na aking lubos na pinapahalagahan.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa patuloy nating pagkakaisa at pagtutulungan, nawa'y mas marami pa po tayong maabot at mapaglingkuran sa mga darating pang mga taon.

Muli, mula po sa aking puso, maraming maraming salamat po! 🎂🎉❤️🙏🏻

Ngayong umaga ay dumalo po tayo sa pagpapasinaya ng bagong Out-Patient Department (OPD) Waiting Area ng Labo District Ho...
02/06/2026

Ngayong umaga ay dumalo po tayo sa pagpapasinaya ng bagong Out-Patient Department (OPD) Waiting Area ng Labo District Hospital. Kasama po natin sa aktibidad na ito sina Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, Provincial Administrator Don Padilla, Executive Secretary to the Governor Anica Padilla, at iba pang kawani ng pamahalaan. Nagkaroon din po tayo ng pagkakataong makumusta ang ating mga kababayang nagpapagaling at makita ang mga patuloy na pagbabago sa ating ospital.

Ang pasilidad po na ito ay bahagi lamang ng mas malawak naming layunin ni Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia na mapabuti ang kalagayan ng ating mga pagamutan. Naniniwala po tayo na ang bawat pasyente ay nararapat lamang sa isang malinis, maayos, at komportableng lugar habang naghihintay ng kinakailangang serbisyong medikal.

Tandaan po natin na ito ay bunga ng ating sama-samang pagtutulungan. Sa kabila po ng nga hamon sa pondo, hindi po ito naging hadlang sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na ibigay ang kaginahawaan sa ating mga mamamayan. Patuloy rin po nating ipinaalala sa mga empleyado na higit sa mga gusali at kagamitan, mas mahalaga pa rin ang malasakit, pag-unawa, at simpleng ngiti na naibibigay ng bawat lingkod-bayan sa ating mga pasyente.

Alam po natin kung gaano kahirap ang magkasakit, kaya ayaw na po nating madagdagan pa ang pagsubok na nararanasan ng ating mga kababayan. Ang layunin po natin ay simple lamang, ito ay tiyaking may malinis, maayos, makatao, at maaasahang serbisyong pangkalusugan na naghihintay para sa bawat CamNorteño.

01/06/2026

Maraming salamat po sa inyong lahat sa mainit na pagbati at pakikiisa sa aking kaarawan. Lubos po akong nagpapasalamat at nagagalak sa pagkakataong maipagdiwang ang espesyal na araw na ito sa piling ng ating mga kababayan, at higit sa lahat ng ating mahal na pamilya.

Ang inyo pong presensya, suporta, at pagmamahal ay tunay na biyaya na aking pinahahalagahan.

Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagbati, panalangin, at mabubuting mensahe sa aking kaar...
01/06/2026

Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagbati, panalangin, at mabubuting mensahe sa aking kaarawan. Tunay pong nakakataba ng puso ang inyong pagmamahal at suporta. Kasama po ng aking pamilya, lalo na ng aking asawa at mga anak, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, pati na rin sa ating mga kasamahan sa pamahalaan na patuloy na nakikiisa sa ating mga adhikain para sa Camarines Norte.

Kung may isa po akong kahilingan sa aking kaarawan, iyon po ay ang pagkakaisa. Sana po ay patuloy tayong magtulungan, magkaunawaan, at magsama-sama para sa ikabubuti ng ating lalawigan. Marami pa po tayong kailangang gawin at marami pa tayong mga pangarap na nais maabot, ngunit naniniwala po ako na walang hamon na hindi natin malalampasan kung tayo ay magkakapit-bisig at magkakaisa bilang isang lalawigan.

Kaya naman sa darating na Hunyo 12, ilulunsad po natin ang “ One CamNorte Movement ”, isang panawagan para sa bawat CamNorteño na maging bahagi ng ating sama-samang paglalakbay tungo sa mas maunlad na kinabukasan. Magkakaiba man po tayo ng pananaw, pinanggalingan, o maging ng kulay sa politika, iisa pa rin po ang ating tahanan at iisa rin ang ating pangarap para sa ating mga pamilya at sa susunod na henerasyon.

Sana po ay patuloy nating piliin ang pagkakaisa, ang pagtutulungan, at ang malasakit. Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at tiwala. Sa tulong ng bawat isa, sama-sama nating mabubuo ang isang maunlad, matatag, at nagkakaisang Camarines Norte.

Kasabay po ng ating pagbisita sa Camarines Norte Provincial Hospital, namahagi rin po ng simpleng pananghalian ang aking...
31/05/2026

Kasabay po ng ating pagbisita sa Camarines Norte Provincial Hospital, namahagi rin po ng simpleng pananghalian ang aking anak na si Anica sa ilan sa ating mga kababayang nasa pagamutan.

Personal po silang nagtungo sa mga ospital sa Jose Panganiban, Capalonga, at Sta. Elena upang makadaupang-palad at makipagkamustahan sa ating mga kababayan. Ang mga ngiti na inyo pong ipinakita at mga ipinarating na pasasalamat ay nagsisilbing paalala na ang simpleng kabutihan po ay may kakayahang magbigay ng lakas sa iba.

Dalangin po namin ang patuloy ninyong paggaling at ang paggabay ng Panginoon sa ating lahat.

31/05/2026
Sabi nga po nila, ang kaarawan ay paalala na ang buhay ay isang biyaya, at ang pinakamainam na tugon po dito ay ang magp...
31/05/2026

Sabi nga po nila, ang kaarawan ay paalala na ang buhay ay isang biyaya, at ang pinakamainam na tugon po dito ay ang magpasalamat at magbahagi sa kapwa.

Dahil kaarawan ko na po bukas, katulad ng ating nakasanayan, pinili po natin na ipagdiwang ito ng maaga sa piling ng ating mga kababayang kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital, mga kabataan sa bahay-ampunan, at ang mga kababayan nating nasa piitan. Sa pamamagitan ng munting pananghalian na ating ipinamahagi, nais po nating iparating na sa gitna ng kanilang pinagdaraanan, hindi sila nag-iisa at may komunidad na patuloy na umaagapay sa kanila.

Hindi rin po mapapantayan ng anumang yaman ang ligayang dulot ng inyong mga ngiti. Ang makita po kayong masaya sa kabila ng mga pagsubok ang tila isa sa mga pinakadakilang regalo na natanggap ko po ngayon.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa ating Mahal na Panginoon sa biyayang ito, at sa lahat ng nagpaabot ng kanilang maagang pagbati. Muli, maraming salamat po, at isang pinagpalang Linggo po sa inyong lahat.

30/05/2026

Ang mga gusali, ospital, at daan sa atin pong lalawigan ay bunga po ng ating pinagsama-samang buwis at pagsisikap. Kaya maraming salamat po muli sa inyo dahil nabigyan po natin ng bagong Stage at Covered Court ang San Mauricio Elementary School sa Bagong Bayan, Jose Panganiban, na magsisilbing espasyo para sa pagkatuto at paghubog ng ating mga kabataan.

Patuloy po nating itataguyod ang serbisyong “Alay sa Diyos, Alay sa Bayan,” para po sa bawat kabataang nangangarap at sa bawat CamNorteño na nagsusumikap sa buhay.

Address

Labo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dong Padilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share