17/08/2026
πππππππ| Ekisππ‘πππ©ππ€π£
WALANG ibang nararapat na reaksyon kundi pagkunot ng noo kapag pinagmamasdan ang mga nakapaskil na mukha ng mga tumatakbong lider-estudyante sa Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon kung saan dalawang magkatunggaling partido ang pagpipilian ng mga mag-aaral upang ihalal ang mga karapat-dapat na umupo sa puwesto, na may totoong intensiyong mamuno at maglingkod nang may puso sa mga kapwa estudyante.
Kamakailan lamang, pormal nang naglabas ng anunsiyo ang Young Educators SocietyβUA Lagangilang main campus ngayong 2026 sa kanilang page upang isagawa ang proseso ng pagpili ng mga susunod na lider-estudyante. Batay sa inilabas na anunsiyo, itinakda sa Agosto 10 ang paghahain ng kandidatura, na ngayon ay binubuo na ng dalawang magkatunggaling partido, ang Hiraya at LEAD na partido
Sa pamamagitan ng halalan, magkaroroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pumili ng mga inaasahang mamuno at kakatawan sa kanila bilang mga estudyante sa loob ng pamantasan.
Nawa ay huwag sanang manghalal ng lider-estudyante na pansariling kasikatan lamang ang layunin sa pagtakbo, pansariling pagkilala sa paaralan, at higit sa lahat, kabangagan ang kayang isakatuparan.
Subalit hindiito maisasakatuparan kung paiiralin ang kamangmangan at manaig ang ka-impokritahan ng isang botante sa pagpili ng mga uupo sa puwesto.
Dahil ano nga ba ang magagawa ng nag-iisang tingting upang iwalis ang hindi nararapat sa puwesto kumpara sa bigkis ng mga tingting, kung saan ang basura ay inilalapit sa pandakot upang tuluyang iluklok ang hindi karapat-dapat sa p'westo?
Hindi ba nakatataas ng kilay kung iisipin na maaaring mailuklok ang isang estudyante dahil lamang sa kaniyang kasikatan at laki ng samahang kaniyang kinabibilangan nito sa loob ng pamantasan? Sapagkat malaki ang posibilidad na ang mga ito ang maging dahilan ng kaniyang pagkakapanalo.
Kung ganito ang magiging batayan ng pagpili, saan na napunta ang kakayahan? At higit sa lahat, saan napunta ang tunay na dahilan kung bakit may halalan?
Hindi naman masama ang maging sikat. Ang masama ay kapag ginamit ang kasikatan bilang pamalit sa kakayahanβmay kakayahan nga ba?
Kaya sa mga tumatakbong lider-estudyante, isang simpleng panawagan ng isang Kolumista mula sa BSEd Filipino-3. Huwag ninyo kaming kumbinsihin sa laki ng inyong pangalan. Kumbinsihin ninyo kami sa bigat ng inyong kakayahan
Huwag ninyo kaming bilhin sa matatamis na pangako. Ipakita ninyo kung paano ninyo ito isasakatuparan.
Huwag ninyong ipagmalaki kung gaano karami ang nasa likod ninyo. Ipakita ninyo kung gaano karami ang handa ninyong paglingkuran.
At higit sa lahat, huwag ninyong gawing hagdan ang posisyon upang kayo ay makilala.
Sa mga kapwa-estudyante ko naman, huwag maging tagahanga. Tayo ay maging mapanuri.
Huwag ibigay ang boto dahil kaibigan. Huwag ibigay dahil kasamahan. Huwag ibigay dahil sikat. At lalong huwag ibigay dahil lamang sa maganda ang pagkakagawa ng kampanya. Suriin ang kakayahan. Tingnan ang kayang isakatuparan at kilalanin ang paninindigan.
Kaya't naninindigan ako, na hindi dapat maging batayan ang personal na koneksyun ang pagpili ng lider bagkus. higit na dapat timbangin ang kakayahan, karakter, paninindigan, at mga konkretong kakayahang kaya nitong isakatuparan.
Isinulat ni Bryan Dave Respicio βOpinion Writer