16/10/2025
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, pero siguro dito na lang sa pinaka-totoo namimiss ko na si Mylene.
Oo, yung dati kong live-in, yung ina ng dalawang anak ko.
Hindi ko alam kung ito ba’y dahil mag-isa na ako ngayon o dahil, sa totoo lang, ngayon ko lang talaga narealize lahat ng mali ko.
Ako nga pala si Rodel, 35 years old, factory worker dito sa Bulacan.
Simple lang ang buhay ko, dati nga masaya pa kahit gipit, basta kumpleto kami, ako, si Mylene, at yung dalawang chikiting.
Pero ayun, sabi nga nila, kahit gaano mo kamahal, minsan nauubos din pasensya mo kapag puro sigawan, puro away, puro pagod.
At oo, kasalanan ko din kung bakit nauwi kami sa ganito.
Nung una naming magsama ni Mylene, grabe, parang pelikula.
Siya yung babaeng kahit simpleng tapsilog lang, masaya na.
Ako naman, parang gusto kong patunayan lagi na kaya kong buhayin siya.
Kahit bagger ako, todo kayod.
Pag-uwi ko, may yakap, may halik, may lambing.
Tapos nung nagkaanak kami, nagbago lahat.
Hindi naman agad, pero unti-unti.
Siguro kasi dumagdag responsibilidad, gastos, puyat, stress lahat.
Pero kahit ganun, ok pa rin kami.
Hanggang sa isang araw, nawalan ako ng trabaho.
Naalala ko pa yung unang araw na sinabi ko kay Mylene na “Love, endo na ako.”
Tahimik lang siya nung una, tapos maya-maya, “Pano na tayo niyan, Rodel? Pano yung gatas, yung upa?”
Wala akong maisagot.
Simula noon, unti-unti na siyang nag-iba.
Yung dating malambing, naging mainitin ang ulo.
Lahat may reklamo, lahat may sinasabi.
Minsan kahit simpleng, “Love, pahinga muna ako,” magiging rason na para mag-sermon siya ng isang oras.
Alam ko, stress lang siya. Alam kong pagod din siya.
Pero minsan, di ko na rin kaya.
Kaya ang ginagawa ko, tahimik lang ako.
Pero sa loob ko, parang may naipon na galit, lungkot, at hiya.
After ilang buwan, nakuha ako sa factory dito sa Meycauayan.
Masaya ako kasi makakatulong na ulit ako.
Pero habang masaya ako sa trabaho, mas lalong lumalayo loob ko sa bahay.
Hindi ko na siya gustong kausapi