17/07/2025
Dasal sa Gitna ng Bagyo
Aming Amang nasa langit,
Pakinggan n’yo po kami — kasi po may bagyo na naman, at parang galitnna galit sya.
Lord, alam naming kailangan ng ulan… pero sana hindi yung may kasamang lipad-bubong at floating tricycle!
Itago n’yo po kami sa kapahamakan — lalo na po yung mga kapitbahay naming mahilig magtambay sa bubong kahit may signal no. 3.
Ingatan n’yo rin po yung mga poste, kasi isa pa 'yan, konting ihip lang, laglag agad, parang puso kong iniwan sa ulan. 😅
Bigyan n’yo kami ng lakas, tapang, at fully charged powerbank, Lord.
At kung pwede rin po, sana wag na pong mawalan ng kuryente, kasi po boring po kapag ganun
Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat po kami sa inyong paggabay.
Wala pong mas hihigit sa inyong proteksyon.
Amen po, at sana all ligtas!