DZLB News

DZLB News BALITANG ATIN, IBABALITA NATIN! Ihahatid ng DZLB News ang mga balitang pangkaunlaran mula sa iba't ibang bahagi ng Laguna at CALABARZON.

Live tuwing Lunes at Biyernes, 12nn, sa Radyo DZLB.

Dito na po pinipinid ng DZLB News ang aming coverage ng ikasiyam na STRASUC Culture and Awards Festival mula sa Romblon ...
17/10/2025

Dito na po pinipinid ng DZLB News ang aming coverage ng ikasiyam na STRASUC Culture and Awards Festival mula sa Romblon State University.

Muli na namang nagdaan ang isang linggo na puno ng sining, sayaw, kanta, drama, at kultura.

Para sa mga tumutok sa aming news updates, mula sa lahat ng bumubuo ng aming coverage team, madamo nga salamat!



17/10/2025

PANOORIN: Tinanggap ng University of the Philippines Los Baños ang tropeo nito sa ikasiyam na STRASUC Culture and Arts Festival sa Romblon State University sa Odiongan, Romblon. Nasa ika-apat na puwesto ang UPLB sa overall ranking ng STRASUC CAF ngayong taon.

[Video mula kay Roi Mojado]



PALAWAN STATE UNIVERSITY, NAG-WALK OUT SA CLOSING CEREMONIES NG 9TH STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVALLumabas mula sa RSU...
17/10/2025

PALAWAN STATE UNIVERSITY, NAG-WALK OUT SA CLOSING CEREMONIES NG 9TH STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL

Lumabas mula sa RSU Quadrangle at hindi na tuluyang nakisali sa pagtatapos ng 9th STRASUC Culture and Arts Festival ang delegasyon ng Palawan State University.

Ito ay matapos bumaba ang kanilang over-all na ranggo mula sa ikalawa patungong ikatlo.

Bumaba sa ranggo ang Palawan State U matapos bawiin mula sa kanila ang ika-apat na gantimpala para sa Contemporary Dance. Iginawad na sa Laguna State Polytechnic University ang naturang gantimpala.

Sa pag-check ng DZLB News sa tally board kaninang bago mag-alas-9 ng umaga, may 86 puntos ang PalawanSU. Ngunit dahil sa pagbawi sa kanilang award sa Contemporary Dance, bumaba sa 83 puntos ang naturang pamantasan sa tally board.



BATANGAS STATE UNIVERSITY, OVERALL CHAMPION NG 9TH STRASUC CULTURE AND ARTS FESTMapupunta sa Batangas ang pinakamalaking...
17/10/2025

BATANGAS STATE UNIVERSITY, OVERALL CHAMPION NG 9TH STRASUC CULTURE AND ARTS FEST

Mapupunta sa Batangas ang pinakamalaking tropeo.

Itinanghal ang Batangas State University bilang overall champion sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival na ginanap sa Romblon State University, Odiongan, Romblon.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Southern Luzon State University, habang pangatlo ang Palawan State University.

Nagkapalitan ng puwesto ang SLSU at PalawanSU matapos bawiin mula sa Palawan State U ang ika-apat na gantimpala sa contemporary dance.

Nasa ikaapat na puwesto naman ang University of the Philippines Los Baños, at panglima ang University of Rizal System.



FINAL, UNOFFICIAL STRASUC CULTURE AND ARTS FEST RESULTSUpdated as of 10:40am, 17 October 2025Ayon sa STRASUC CAF Tally B...
17/10/2025

FINAL, UNOFFICIAL STRASUC CULTURE AND ARTS FEST RESULTS
Updated as of 10:40am, 17 October 2025

Ayon sa STRASUC CAF Tally Board sa RSU campus, nagkamit ang BATSTATEU ng 119 puntos, dahilan upang sila ang manguna.

Nauna naming ini-ulat na nasa ikalawang puwesto ang Palawan State University na may 86 puntos. Ngunit sa aming muling pag-check sa tally board kaninang 10:40am, bumaba sa ikatlong puwesto ang PalSU, na may 83 puntos.

Nabawasan ang puntos ng PalSU matapos bawiin sa kanila ang ikalimang puwesto sa Contemporary Dance. Napunta na sa Laguna State Polytechnic University ang naturang gantimpala.

Dahil dito, umangat at pumangalawa na ang ang Southern Luzon State University na may 85 puntos.

Nasa ikaapat na puwesto naman ang University of the Philippines Los Baños, na may 70 puntos.

Nasa ikalimang puwesto naman ang University of Rizal System na may 65 puntos.



HAPPENING NOW: Isinasagawa ngayon ang closing ceremony ng 9th STRASUC Culture and Arts Festival sa Romblon State Univers...
17/10/2025

HAPPENING NOW: Isinasagawa ngayon ang closing ceremony ng 9th STRASUC Culture and Arts Festival sa Romblon State University.

Iaanunsyo ngayong umaga ang over-all results ng festival.



16/10/2025

PANOORIN: Nagpapasalamat si UPLB Vice Chancellor for Student Affairs Janette Malata-Silva sa mga mag-aaral ng pamantasan na lumahok sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival na isinasagawa ngayon sa Romblon State University sa Odiongan, Romblon. Sinigurado rin niya ang suporta ng pamantasan sa mga kalahok.



UPLB, NAKA-PODIUM FINISH SA STREETDANCENagkamit ng ikalimang puwesto ang University of the Philippines Los Baños sa Stre...
16/10/2025

UPLB, NAKA-PODIUM FINISH SA STREETDANCE

Nagkamit ng ikalimang puwesto ang University of the Philippines Los Baños sa Streetdance Competition ng 9th STRASUC Culture and Arts Festival.

Binubuo ng mga miyembro ng UPLB Street Jazz Dance Company, ang opisyal na hiphop dance varsity ng pamantasan, ang UPLB delegation sa naturang kompetisyon.



UPLB, NAGKAMIT NG PODIUM FINISHES SA SHORT AND SWEET PLAYSPasok ang University of the Philippines Los Baños sa mga panal...
16/10/2025

UPLB, NAGKAMIT NG PODIUM FINISHES SA SHORT AND SWEET PLAYS

Pasok ang University of the Philippines Los Baños sa mga panalo sa Short and Sweet Plays sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival.

Gintong medalya ang iuuwi ng UPLB sa Dialogue category, habang nakamit nila ang ikalimang puwesto sa Musical category.

Ang UPLB delegation ay binubuo ng mga miyembro ng Umalohokan, Inc., ang organisasyong nasa likod ng taunang pagtatanghal na Isko’t Iska.



16/10/2025

PANOORIN: Inaalay ni Jake Jorist Diazeta ng Southern Luzon State University sa kanyang pamilya ang pagkapanalo niya bilang Festival King sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival. Handa na rin siyang irepresenta ang Southern Tagalog sa national scene.



16/10/2025

PANOORIN: Bagaman nilalagnat, hindi nagpatinag at hindi nagpahuli si Victoria Suri Kopietz ng University of the Philippines Los Baños sa kabuuan ng kanyang laban para sa Festival Queen sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival. Siya ang nanaig at nanalo bilang Festival Queen ngayong taon.



SLSU AT UPLB, MAG-UWWI NG KORONA NG FESTIVAL KING AND QUEENKinoronahan ngayong gabi, 15 Oktubre, si Victoria Suri Kopiet...
15/10/2025

SLSU AT UPLB, MAG-UWWI NG KORONA NG FESTIVAL KING AND QUEEN

Kinoronahan ngayong gabi, 15 Oktubre, si Victoria Suri Kopietz ng University of the Philippines Los Baños bilang Festival Queen, habang si Jake Jorist Diazeta ng Southern Luzon State University ang kinoronahang Festival King sa 9th STRASUC Culture and Arts Festival.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo:

FESTIVAL KING AND QUEEN
Male: Southern Luzon State University
Female: University of the Philippines Los Baños

1st Runner-up
Male: Batangas State University
Female: Palawan State University

2nd Runner-up
Male: Palawan State University
Female: Batangas State University

3rd Runner-up
Male: Occidental Mindoro State College
Female: Occidental Mindoro State College

4th Runner-up
Male: Laguna State Polytechnic University
Female: Southern Luzon State University



Address

UPLB College Of Development Communication, College Los Baños
Laguna
4031

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZLB News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZLB News:

Share