BlackPen Publishing

BlackPen Publishing An Alternative Publishing Company

BlackPen Publishing is an alternative publishing company that gear towards making the welfare of the writer as the center of publishing. Being alternative means that is sets itself apart from the common and traditional ways of capitalist-centered publication by pushing forward the interests of the writers and readers as well as making it possible for good books affordable to more readers. BlackPen

also wants to prove that anyone can write and publish a book and with the help of technology and social media, ideas, thoughts, aspiration and dreams of common people can be read and recorded across the globe. BlackPen publishing aims to reflect in its circulation effort the true condition of the world we are living in and contribute to the awakening of the heart and mind of the people. We do not discriminate between established authors and those who are just starting to write as long as there is essence in the work.

Mahaba at makabuluhang rebyu ng ANDREA Oyayi sa Daluyong…
21/04/2025

Mahaba at makabuluhang rebyu ng ANDREA Oyayi sa Daluyong…

𝘉𝘰𝘰𝘬 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘦𝘸 #196 | 𝘙𝘦𝘣𝘺𝘶 𝘯𝘪 𝘑𝘶𝘴𝘵𝘪𝘯 𝘋𝘪𝘻𝘰𝘯

𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐚
𝐧𝐢 𝐑𝐨𝐦 𝐅𝐚𝐜𝐭𝐨𝐥𝐞𝐫𝐢𝐧

📚📚📚

Bukod sa nobela ni Ronaldo Vivo Jr. na Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa (The Abyss Beneath Our Feet [2022]) at Armor: Stories ni John Bengan (2022) — na parehong nakakapanindig-balahibo — isa ang Andrea (Oyayi sa Daluyong), ang kauna-unahang nobela na isinulat ni Rom Factolerin, sa dapat basahin, lalo't kung nais mong lubusang maunawaan ang karumal-dumal na giyera kontra droga (o WOD [WOD]) ng berdugong dating Pangulong Rodrigo Duterte.

(Paunang pagpapabatid: kung hindi mo kayang muhiin ang ilan sa katotohanang pinaniniwalaan at pinaninindigan ko rito sa rebyu na ito, at kung paano ko sila iminamapa mula sa mundo ni G. Factolerin, ay may dalawa kang puwedeng gawin: una, umalis ka na lang—siguro nama'y kasindali ng pag-click mo sa post na ito ang pag-alis, e—out of sight, out of mind na lang, kumbaga; o pangalawa, na tingin ko'y mas matimbang, ay matuto ka mula rito, na may mga naratibo't reyalidad na, gaya ng kay Andrea, aktibong sinisikil ng estado. Na aktibong pinatatahimik, alinsunod sa interes ng mangilan-ngilang maykapangyarihan.)

(Pangalawang pagpapabatid: paumanhin kung tunog mukhang sineryoso, kasi oo, may pagka-seryoso na ako sa pagkakataong ito.)



Si G. Rom Factolerin ay isang interdisiplinaryong artista. Bukod sa pagiging manunulat, siya rin ay lumilikha ng mga pelikula at iba pang biswal na sining (visual arts). Na siyang makapagpapaliwanag sa unang porma ng Andrea bilang nobela, na isinilang bilang screenplay — na kalauna'y ginawa lamang na libro nang maudlot ang shooting ng dapat-na-pelikula buhat ng pandemya.



Ang Andrea ay kuwento ng isang tatlumpung taong ginang na 'nabitag sa sapot' ng lipunang kaniyang ginagalawan — sa kadiliman, kababuyan, at karahasan nito. Bukod sa pangangalaga niya sa kaniyang limang taong gulang na anak na si Sinta, na may congenital syphillis, at sa kaniyang magiging ikalawang anak, si Andrea ri'y makikipagbuno sa katotohanan ng buhay na mayroon ang kaniyang kinakasama na si Naldo. At sa p**ikipagbunong ito'y matututuhan din ni Andrea ang mga mekanismong dinadaluyan ng karahasan sa lipunan, na binibigyang-mukha ng isang retiradong heneral at isang ganid na congresswoman, at kung paano ginagamit ng mga ito — ng mga makapangyarihan — ang naturang sistema laban sa, at kasangkap ang, mga isinasaisantabi o marhinalisado.



Tinuran ko sa unang bahagi ng rebyung ito kung sino si G. Factolerin sapagkat kalakasan ng Andrea ang pagiging biswal ng teksto nito: mula sa samu't daring madugo't kapana-panabik na mga eksena hanggang sa amoy, lasa at p**iramdam ng bawat tagpo; mula sa bawat kilos ng tauhan hanggang sa bawat pagpupunyagi ng mga itong maapuhap ang kanilang damdamin.

Kinakailangang mabatid ang kagalingan na ito sapagkat dalawang magkaibang porma ng sining ang pagsusulat ng nobela, at paggawa ng iskrip. Ang una ay may pangangailangan sa masinsinang pagbubuo ng prosa, at pagtitiyak kung paano dadaloy ang balangkas — gayundin ang mga tauhan, ipinakikilala man ang mga ito o hindi — ng kuwento mula rito. Ang huli naman ay mas tiyak ang pangangailangan sa biswal at aural (auditory, o iyong mga naririnig). Bukod sa magkaibang pangangailangan, nagkakaiba rin ang pagsusulat ng nobela at iskrip sa simpleng pag-fo-format nito bagaman may mga manunulat nang nag-e-eksperimento sa porma at pamamaraan ng pagnonobela (unang pumasok sa isip: Asinkrono ni Mesándel Arguelles). Marami pa: layunin; haba, partikular ng bawat eksena, pero maaari rin ng kabuohan nito; character- at worldbuilding; techniques na ginagamit; paraan ng pagkukuwento. Kung kaya't nakamamangha na maaari, mula sa Andrea, na maging biswal ang bagay na tekstwal; hamon na lamang ay ang pagmamapa ng kadiliman nito.



Bukod sa lakas ng teksto nito, makabuluhan din ang substansya ng nobela, ang ambag nito sa panitikang Pilipino.

Kaalinsabay ng publikasyon ng librong ito ang publikasyon din ng dalawang matimbang na mga akda—ang Bangin ni Vivo sa ilalim ng Avenida, at Armor ni Bengan sa ilalim naman ng Bughaw imprint ng Ateneo. Ang Bangin ay may pokus sa pamilya at paano nangyayari ang karahasan sa maliliit na bahagi ng lipunan; ang Armor naman ay koleksyon ng mga naratibo tungkol kay Duterte at sa Davao bago pa man ito pumasok sa pambansang diskurso—90s, o sumatutal, panahong alkalde pa lamang ang berdugo. Ang Andrea naman, na pumapaksa rin sa WOD, ay boses naman ng urban poor, ng mga marhinalisado at naisasagilid sa diskurso ng katarungan, kabuhayan, kaunlaran, at karapatang pantao. Kung kaya’t ang puwang na pinupunan nito — na hindi ko sinasabing hindi ginawa/nagawa ng unang dalawang nabanggit, bagkus mas baon at may diin lang talaga ang sa akda ni Factolerin — ay ang pagtatala ng kanilang mga boses, ng kanilang adhikain. Bukod dito, sa pagsusulat ng kanilang p**ikipagtunggali sa iba’t ibang porma ng kasamaan, iminamapa rin ng nobela ang kanilang pagiging kasangkap sa makinarya ng ilang malalakas at makapangyarihan, buhat minsan ng pangangailangan, ngunit mas madalas, buhat ng takot, buhat ng pandarahas.

Matagumpay na naigpawan ni Factolerin ang tinitingnan ko bilang hamon ng pagsusulat, ang hamon “to re/present” realities”, partikular ang mga micro-realities—mga reyalidad na isinasagilid ng/sa pambansang diskurso, hanggang sa ang masa mismo’y mawalan ng p**i rito, ang mga isinasagilid na boses. (At oo, dapat ay umalagwa na tayo sa pagtawag dito bilang “maliliit” na boses ng lipunan—hindi maliit ang tinig nila. Tayo ay sila rin. Na kapag pinagsama-sama’y, kolektibong matatanto na isinasagilid lamang tayo, tahasang hindi pinakikinggan, kumbaga.) Ang hamon, gayon, na aking sinasabing naigpawan ni G. Factolerin ay ang hamon sa pagsusulat (present) ng kanilang reyalidad na lapat sa katotohanan, at pagsasatitik ng katotohanang ito bilang porma ng sining (represent), bilang nobela. Bukod sa biswal na kalakasan ng kaniyang pagsusulat, nagawa ring isanobela ni Factolerin ang danas at pang-araw-araw ng mga urban poor: ang kanilang lengguwahe, pauna diyan—ang kapusukan ng kanilang mga mura, ang talim, lalim, at kaluluwa sa kanilang bawat bitaw, gayundin ang lambing at pagmamahal sa mga pagkakataong pinahihintulutan sila ng kanilang palagiang p**ikipagbuno; ang kanilang isip, sariling diwa, at pagsasakilos nito; ang ritmo ng kanilang galaw, ang kaluluwa sa bawat kumpas ng sarili.



(Paumanhin kung madilim ngayon ang retratong ginamit, nais kong salaminin ng kadiliman na ito ang kadiliman din ng nobela. [Wow. Poetic.]) Hindi ito para sa mahihina ang loob, o sikmura—wika nga ni Tolentino sa kaniyang blurb, hitik ang naratibo nito sa “pihit at paling,” tinatahak nito ang samu’t saring usapin tungkol sa “korapsyon, droga, politikal na kapangyarihan, [impunity], at pagsasangkapan ng mahihirap” sa makinarya ng mga makapangyarihan. Ngunit, upang mangumbinsi ng mambabasa (o makumbinsi kayo, mga nagbabasa), hindi ko ito pupurihin nang tipikal at sasabihing “dapat malaman ito ng lahat” bagaman totoo. Hindi. Mag-iiwan ako ng dapat matanto:

Anuman ang tawag natin doon—giyera kontra droga o giyera laban sa kasamaan; pagpatay o pagsagip sa lipunan; panggagahasa ng karapatan o pangangalaga sa pambansang kapakanan—isa ang katotohanan: maaaring ikaw yon, ang nakabulagta sa daan. Maaaring sa ‘yo ‘yon, ang dugo na natuyo sa kurbada, o humalo sa sangsang ng imburnal, na pinaanuran muna nang madaling matanggal ng naglilinis sa daan. At maaaring kapatid mo, o kakilala, o anak, o katrabaho, ang susunod na magp**ita sa balita; nahuli, nabaril, nanlaban, iyan ang mga paborito nilang headline.

Puro maaari, oo—marami talaga akong pinasusubalian na mga baka. Ngunit ang nakababahala ay: nangyayari ang mga bakang ito. Kung kaya’t kinakailangan matanto na baka kailangan na rin nating matuto, na baka kinakailangan na nating bakahin ang dapat, na baka kinakailangan na nating idiretso ang mga binaluktot; baka sakali na sa pagkakataong ito ay makabuo naman tayo ng mundong atin.

maraming salamat sa suporta Ms. Ida Cayetano!Andrea - Oyayi sa Daluyong is still available. contact the author for more ...
13/06/2024

maraming salamat sa suporta Ms. Ida Cayetano!
Andrea - Oyayi sa Daluyong is still available. contact the author for more details

ANDREA REVIEW: https://manilastandard.net/?p=314246127

Thank You for your support Ms. Phoebe Balmes, enjoy reading Andrea - Oyayi sa Daluyong ANDREA is still available. contac...
12/06/2024

Thank You for your support Ms. Phoebe Balmes, enjoy reading Andrea - Oyayi sa Daluyong

ANDREA is still available. contact the author for more details

ANDREA REVIEW: https://manilastandard.net/?p=314246127

twice in Frankfurt, twice in London, once in Canada, once in Paris and now, Andrea - Oyayi sa Daluyong flies to Malaysia...
10/06/2024

twice in Frankfurt, twice in London, once in Canada, once in Paris and now, Andrea - Oyayi sa Daluyong flies to Malaysia. thank you for bringing the book with you Ms. Ida Cayetano. enjoy reading!

ANDREA is still available, contact the author for more details.

ANDREA REVIEW: https://manilastandard.net/?p=314246127

maraming salamat sa mga sumuporta at tumangkilik sa Andrea - Oyayi sa Daluyong available pa po ang book. message the aut...
05/06/2024

maraming salamat sa mga sumuporta at tumangkilik sa Andrea - Oyayi sa Daluyong available pa po ang book. message the author for more details

ANDREA REVIEW: https://manilastandard.net/?p=314246127

Address

Laguna

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BlackPen Publishing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BlackPen Publishing:

Share

Category