21/04/2025
Sagot Kita - Pag May Abs Ka Na🤪✌️
YUNG TOTOONG BALA SA LABAS: LIFE EXPERIENCE
Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig mag-post ng photos sa mga social media accounts ko—lalo na ‘pag mga gala o labas kasama ang tropa pips. Pero ‘wag ka, mahilig pa rin akong magpicture for remembrance, hehe. Kaya ayan, napupuno na memory ng phone ko—kailangan nang mag-unload.
Kwento ko lang, throwback to around 2013, kasama ko mga friends nun. May 1 or 2 sa kanila na medyo hindi ko ka-close. Isa dun nagyaya mag-dinner, so go lang kami. Ang catch? Wala akong pera that time. Nung papalapit na kami sa steakhouse, ang linaw pa ng moment na ‘yon—tinanong ko si Kalbo (yes, codename natin siya 😆) kung siya ba sasagot since siya naman nagyaya. Aba, ang sagot? “Ayyy, hindi ako.” Ang lamig ng hangin pero mas malamig yung sagot niya, promise.
Buti na lang may pera si BFF nun—sinalo niya ako. Later on nalaman ko, kaya pala nagyaya si Kalbo, gusto pala niya ‘yung isa naming tropa. Nagpapasikat. Bwahaha. Classic.
Dun ako natuto. Kaya ngayon, na medyo okay na ang buhay, kapag ako nagyaya, ako na syempre ang taya. Kung ako naman ang inaya, laging may ambag. Pero never—as in never—na akong sasama sa lakad nang walang bala. Experience is the best teacher nga naman.
Minsan na lang naiisip ko… asan na kaya si Kalbo ngayon? Gusto ko lang naman siyang sampalin ng abs ko tapos ilibre sa steakhouse… para lang ma-full circle ang lahat. 😏