ShyPer

ShyPer A little corner of the internet for smiles, good vibes, and positive energy.🤍

"WORST GOVERNMENT"Ang ironic pakinggan coming from them.Habang ordinaryong Pilipino ang hirap na hirap mabuhay, yung mga...
14/05/2026

"WORST GOVERNMENT"
Ang ironic pakinggan coming from them.

Habang ordinaryong Pilipino ang hirap na hirap mabuhay, yung mga nasa taas abala sa drama, siraan, takutan, at power play. Tapos kapag pinapanagot, biglang “Victim” ang atake.

Nakakatawa na nakakalungkot.
Ang lakas magsalita noon tungkol sa tapang, accountability, at disiplina, pero ngayong sila na yung tinatanong, biglang may takot, may dahilan, may pagtatago.

Sa Senado ngayon, hindi mo alam kung hearing ba o teleserye.
May mga galit kasi raw “inaapi,” pero noong ordinaryong tao ang umiiyak, ang tahimik nila.
Ngayon ramdam nila yung pressure ng batas, sasabihin “political persecution.”

“SARILI LABAN SA SARILI” talaga.
Kasi hindi naman ibang bansa ang sumisira sa tiwala ng Pilipino kundi mismong mga leader na paulit ulit pinapakita na mas importante ang pangalan at kapangyarihan kaysa serbisyo.

At yung pinaka masakit?
Mga Pilipino rin ang nag aaway away para ipagtanggol ang mga politikong hindi naman sila kilala personally. Habang tayo nagbabangayan online, sila tuloy lang sa pwesto, sa yaman, at sa impluwensya.

Hindi tayo nauubos dahil mahina tayo.
Nauubos tayo kasi sariling sistema natin ang kumakalaban sa atin.

🇵🇭 “Kayo dapat Ang nagtatanggol sa bayan hindi yung kayo pa Ang pinagmumulan Ng gulo, sino na lang ang aasahan ng mamamayan?”

Real talk to Philippine government!Ano pa bang halaga ng “demokrasya” kung ang hustisya may presyo at ang batas may pini...
27/04/2026

Real talk to Philippine government!

Ano pa bang halaga ng “demokrasya” kung ang hustisya may presyo at ang batas may pinipiling kampihan? Bakit parang mas mabilis gumalaw ang sistema kapag may apelyidong mabigat, pero napakabagal kapag ordinaryong mamamayan ang humihingi ng tulong? Yung may kaya, nakakahanap ng butas sa batas. Yung walang wala, kahit wala pang kasalanan, parang sentensyado na agad sa mata ng publiko.

Ilang beses na ba nating napanood ang parehong eksena? May anomalyang ibinunyag, may isyung pumutok, may pondo na “nawawala.” Tapos lilipas ang buwan, lilipas ang taon, tatahimik na lang. Parang normal na lang ang korapsyon. Parang parte na ng kultura.

Habang ang taumbayan, araw-araw nakikipaglaban sa realidad. Mataas ang presyo ng bilihin, kulang ang sahod, kontraktwal ang trabaho. Graduate ka ng apat na taon, lisensyado pa minsan, pero sa interview tatanungin ka kung may “experience” kahit fresh grad ka. O kaya may mas “priority” na aplikante kasi may kakilala sa loob. Meritocracy daw, pero bakit parang koneksyon pa rin ang tunay na currency?

Sa edukasyon, sinasabing susi ito sa pag-ahon. Pero paano aangat kung kulang ang classrooms, kulang ang teachers, kulang ang pondo? Sa healthcare, sinasabing karapatan ang serbisyong medikal. Pero bakit ang haba ng pila sa public hospitals habang ang may pera, isang swipe lang ng card?

At kapag may nagsalita, may nagtanong, may pumuna — sasabihing reklamador, pasaway, walang ambag. Kailan pa naging mali ang maghanap ng accountability? Hindi ba obligasyon ng gobyerno na maging transparent? Hindi ba tungkulin ninyo na pagsilbihan ang taongbayan, hindi takutin o patahimikin?

Ang mas masakit, unti-unti nang nasasanay ang mga tao. Nasasanay sa mababang kalidad ng serbisyo. Nasasanay sa pangakong napapako. Nasasanay sa “pwede na yan.”

Pero hindi dapat ganito.

Hindi radikal ang humiling ng patas na batas. Hindi pagiging rebelde ang maghanap ng malinaw na paliwanag. Hindi kawalan ng respeto ang mag-demand ng maayos na sistema.

Ang totoong tanong: kanino ba talaga umiikot ang kapangyarihan? Sa iilang pamilya? Sa iilang negosyante? O sa milyun-milyong Pilipinong araw-araw nagbabayad ng buwis at nag-aambag sa ekonomiya?

Kung tunay na para sa bayan ang pamahalaan, patunayan ninyo.
Hindi sa speeches. Hindi sa tarpaulin. Hindi sa social media posts.

Patunayan ninyo sa gawa.

Dahil ang tiwala, kapag tuluyang nawala, hindi na yan nababawi ng slogan.

26/04/2026

Pinili Naman ako, piniling Iwan.🫣

Maaaring pagandahin ang kilos na parang dula,ngunit ang katotohanan, hindi kayang ikubli ng salita.Sa bawat hakbang na p...
25/04/2026

Maaaring pagandahin ang kilos na parang dula,
ngunit ang katotohanan, hindi kayang ikubli ng salita.
Sa bawat hakbang na pilit iniaayos at itinatago,
ang bunga pa rin ang magsasabi kung ano ang totoo.

Maaaring magtago sa likod ng maayos na anyo,
ngunit ang katotohanan, hindi natatabunan ng anino.
Dahil sa huli, lahat ng pagtatanghal at paglikha,
ang tunay na laman ang siyang lilitaw at magpapasya.

Maaaring magkunwaring tama ang bawat galaw,
ngunit ang katotohanan, may sariling daang tinatahak.
Hindi sa salita, hindi sa anyo o sa palabas
kundi sa bunga nitong hindi kailanman maitatago sa lahat.

🌻

At kung ako’y hindi bahagi ng lahat, saan ako dapat pumunta?Sa mga pintong sarado para sakin,sa mga upuang laging may ba...
25/04/2026

At kung ako’y hindi bahagi ng lahat, saan ako dapat pumunta?

Sa mga pintong sarado para sakin,
sa mga upuang laging may bakante
ngunit hindi para sakin,

o sa mga kalsadang sanay sa hakbang
na laging sabay, laging pareho,
laging “sumunod ka lang."

At kung ako’y hindi bahagi ng lahat,
kailangan ko bang mawala
para lang matawag na tama?

O sapat na bang
matutunan kong
manatili
kahit hindi ako tanggap
ng karamihan?

25/04/2026

How can I move on?

24/04/2026

Don't say you're sorry😶

22/04/2026

Sometimes love just ain't enough.

21/04/2026

Address


3605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ShyPer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share