01/11/2021
Module Distribution: Makabagong Paraan ng Paghahatid ng Edukasyon
-Mary Rose Free Dagondon
Module Distribution ang makabagong paraan ng paghahatid ng Edukasyon sa Mataas na Paralan ng Bansarvil. Dahilan nito ang biglaag pagpapasara ng face to face classes bunsod ng COVID-19 Pandemic.
Tuloy pa rin ang paghahatid ng kaalaman sa mga kabataan sa kabila ng matinding dagok na kinakaharap dala ng COVID-19 virus.
Sa isang panayam, mula sa isang g**o ng Bansarvil National High School na si Gng. Frecel Buhisan, 37, Master Teacher, module distribution daw ang naiisip na paraan para ligtas ang paghahatid ng kaalaman tungo sa mga mag-aaral ng Bansarvil NHS. Malabo daw ang online class sapagkat karamihan sa mga mag-aaral sa naturang paaralan ay walang connection sa internet. Iilan lamang ang may access sa internet at hindi din daw stable ang connection.
Dahil sa programang ito ng Bansarvil NHS, naiibsan ang gastusin ng mga magulang sa pamahase sa pagkuha ng modules para sa kanilang mga anak. Mas ligtas din dahil maiiwasan din nila ang pakikihalubilo sa maraming tao.
Maliban sa mga module na dinideiver ng mga g**o ay nagbibigay din sila ng kopya ng video at audio lessons sa mga mag-aaral na may telebisyon o radio. Nakakatulong ang mga ito para mas lalong mauunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin na nasa module.
Masasabing gumagawa ng paraan ang bawat paaralan para patuloy na maihatid ang edukasyon sa mga kabataan sa kabila ng pagsubok na hinaharap ng mundo.