27/03/2025
Nagtataka kayo kung bakit bigla akong nawala o bakit hindi na ako nagla-live sa Facebook. Nawala lang naman ako dahil nag-iba na ang RP ngayon—hindi na tulad ng dati na RP, RP lang hanggang umaga, kung saan masaya, malaya, at punong-puno ng kwento ang bawat session.
Ngayon, puro na lang putukan, palakasan, dayaan, at katoxican. Imbes na masaya ang laro, parang naging kompetisyon na lang kung sino ang mas malakas, sino ang may mas maraming koneksyon, at sino ang marunong mandaya gamit ang cheat. Wala na yung dating RP na puno ng kwento, drama, tawanan, at bonding—yung tipong kahit umaga na, tuloy pa rin ang ligaya.
Pero kahit ganito na ang takbo ng RP ngayon, hinding-hindi ko malilimutan lahat ng taong naging bahagi ng aking paglalakbay. Kahit wala na ako sa eksena, nandito pa rin ako, sumusuporta at nagpapasalamat sa lahat ng nakasama ko. Sa mga dati kong ka-RP, ka-gang, at mga sumuporta sa akin mula umpisa hanggang dulo—mahal ko kayo.
Kung darating man ang panahon na bumalik ang dating RP na puno ng saya at tunay na kwento, baka makita niyo ulit ako. Pero sa ngayon, sapat na muna ang pasasalamat at masasayang alaala na binuo natin nang limang taon. Maraming salamat, at hanggang sa muling pagkikita—sa totoong buhay man o sa mundo ng RP!At last maraming salamat Pudang,Donya botox,donya kopat skie,butchi beltran,uno shiro,Dos shiro,zed shiro,boss jap,boss lek,ponkz,Coy, yang,boss bebet at iba pa maraming maraming salamat mga utol hanggang sa muli paalam ako nga pala si skitzo nag iiwan ng salitang dont dream your life live your dream