
01/09/2025
𝙋𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖 𝙖𝙩 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣
Ipinagdiwang ng Saint Francis of Assisi College – Las Piñas Campus ang Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Agosto 29, 2025 na may temang “𝘗𝘢𝘨𝘭𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘞𝘪𝘬𝘢: 𝘔𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘴𝘢.”
Pormal na sinimulan ang programa sa pagbati ng mga tagapagdaloy na sina Bb. 𝑱𝒖𝒍𝒊𝒂𝒏𝒂 𝑬𝒂 𝑱𝒂𝒍𝒂𝒅𝒐𝒏𝒊 at G. 𝑪𝒍𝒂𝒓𝒌 𝑵𝒆𝒐 𝑺. 𝑩𝒊𝒔𝒐. Sinundan ito ng panalangin na pinangunahan ni Bb. 𝑹𝒉𝒐𝒏𝒂 𝑺𝒂𝒃𝒓𝒊𝒅𝒂, HUMSS Coordinator, at pagkatapos ay sabayang inawit ng lahat ang Pambansang Awit.
Bilang bahagi ng programa, binasa ni G. 𝑭𝒍𝒐𝒓𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑺𝒆𝒂𝒏 𝑪. 𝑨𝒍𝒂𝒓𝒄𝒐𝒏, Activity Coordinator, ang Pilosopiya, Misyon, Bisyon, at Core Values ng paaralan. Nagbigay naman ng mensahe si G. 𝑴𝒊𝒄𝒉𝒂𝒆𝒍 𝑰. 𝑯𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏, Punong-guro ng senior high school. Ipinaliwanag din ni G. 𝘼𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝑪. 𝙈𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙄, TVL Coordinator, ang mga alituntunin at mekaniks ng patimpalak. Matapos nito, ipinakilala ni Bb. 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆 𝑨. 𝑶𝒓𝒕𝒆𝒈𝒂, STEM Coordinator, ang mga hurado ng kompetisyon na sina G. 𝙅𝙤𝙚𝙢𝙖𝙧 𝙂. 𝘿𝙞𝙖𝙯, G. 𝙅𝙖𝙠𝙚 𝘼𝙘𝙪𝙣𝙖, at Dr. 𝘼𝙧𝙞𝙚𝙨 𝘾. 𝙍𝙤𝙡𝙙𝙖𝙣, Direktor ng Kampus.
Nagpatuloy ang programa sa mga pagtatanghal ng mga kalahok: una, ang 𝙎𝙥𝙤𝙠𝙚𝙣 𝙋𝙤𝙚𝙩𝙧𝙮; sumunod ang masiglang sayaw ng 𝙏𝙞𝙣𝙞𝙠𝙡𝙞𝙣𝙜; at nagtapos sa makulay na 𝙎𝙖𝙮𝙖𝙬 𝘿𝙖𝙗𝙖𝙬 na nagbigay-diin sa yaman at kulay ng kulturang Pilipino.
Para sa Spoken Poetry ng Grade 11, itinanghal na nagwagi si 𝑫𝒊𝒂𝒏𝒏𝒆 𝑽𝒊𝒍𝒍𝒂𝒈𝒓𝒂𝒄𝒊𝒂 (ABM 1) bilang unang gantimpala, sinundan nina 𝑸𝒖𝒆𝒏𝒊𝒆 𝑱𝒐𝒚 𝑴𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒚 (HUMSS 1) at 𝑻𝒊𝒎𝒐𝒕𝒉𝒚 𝑴𝒊𝒈𝒖𝒆𝒍 𝑻𝒂𝒈𝒖𝒃𝒂 (STEM 5) na nakamit ang ikalawa at ikatlong gantimpala.
Sa Grade 12 naman, nakuha ni 𝑱𝒚𝒏𝒔 𝑰𝒛𝒆𝒍 𝑲𝒊𝒓𝒔𝒕𝒆𝒏 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒔𝒊𝒈𝒖𝒆 (STEM 3) ang unang gantimpala, habang sina 𝑹𝒂𝒅𝒛𝒎𝒂 𝑪𝒉𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉 𝑶𝒓𝒈𝒂𝒚𝒂 (HUMSS 2) at 𝑹𝒆𝒊𝒈𝒏 𝑯𝒂𝒓𝒗𝒆𝒚 𝑪𝒂𝒅𝒂 (HUMSS 1) ang nakamit ng ikalawa at ikatlong gantimpala.
Sa Tinikling, itinanghal na kampeon ang 𝑨𝑩𝑴 2 na nagkamit ng unang gantimpala. Nasungkit ng 𝑺𝑻𝑬𝑴 4 at 𝑯𝑰𝑨 ang ikalawa at ikatlong gantimpala, gayundin, nakamit ng 𝑺𝑻𝑬𝑴 1 at 𝑨𝑩𝑴 1 ang ikaapat at ikalimang gantimpala.
Samantala, sa Sayaw Dabaw, itinanghal na kampeon ang 𝑨𝑩𝑴 1 na nagkamit ng unang gantimpala. Nasungkit ng 𝑺𝑻𝑬𝑴 2 ang ikalawang gantimpala, habang nakamit ng 𝑯𝑬 1 ang ikatlong gantimpala. Nakuha naman ng 𝑯𝑼𝑴𝑺𝑺 3 ang ikaapat at itinanghal ang 𝑨𝑩𝑴 2 sa ikalimang gantimpala.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang at ito ay hindi lamang nagbigay-aliw kundi nagpatibay din ng kamalayan at pagmamahal ng mga Pransiskano sa sariling wika at kultura.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Luckie Mortejo
𝗠𝗴𝗮 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶: Steven Lagrimas & Mohammad Andre Adji