05/10/2026
Isang araw ng pagbabahagi, pagtuturo, at malasakit para sa komunidad. 💙
Matagumpay na isinagawa ng Wise Cleaner Team ang Wise Care Outreach Program sa Chiang Chio Te Memorial Aeta School, Aglao, San Marcelino, Zambales. Nakasama namin ang mga bata, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad sa isang makabuluhang araw ng pagtutulungan at pagbabahagi.
Sa outreach program na ito, namahagi kami ng pagkain at iba pang tulong. Nagsagawa rin kami ng actual demonstration kung paano gumawa ng cleaning products gamit ang Wise Cleaner DIY Kits upang maibahagi ang practical na kaalaman na maaari nilang magamit sa bahay at posibleng maging panimulang kaalaman para sa dagdag na pagkakakitaan.
Hindi magiging posible ang programang ito kung wala ang mga taong tumulong upang maisakatuparan ito. Maraming salamat kay Carol Coloma DeZonia sa pag-organize ng event, kay Platoon Leader Lt. Rynmar Aglipa sa suporta at pakikipagtulungan, at kay Sir Rendel Ugaw-ugaw, Head of School ng Chiang Chio Te Memorial Aeta School, sa mainit na pagtanggap at tulong sa buong programa.
Mas naging espesyal ang araw dahil sa aktibong pakikilahok ng komunidad. Nakakatuwang makita ang kanilang interes sa demonstration, ang saya ng mga bata, at ang mga ngiting dala ng simpleng pagbabahagi. Para sa Wise Cleaner, mahalaga na bukod sa tulong na naibibigay, may naiiwan ding kaalaman na maaari nilang mapakinabangan.
Maraming salamat sa Chiang Chio Te Memorial Aeta School, sa buong komunidad ng Aglao, at sa lahat ng naging bahagi ng outreach na ito. Patuloy kaming umaasa na mas marami pang komunidad ang aming maabot sa mga susunod na Wise Care Outreach Programs. 💙
📍 Chiang Chio Te Memorial Aeta School, Aglao, San Marcelino, Zambales
Lamang ang may Alam.