14/08/2025
AKO ANG BINANGGA, SIYA ANG NAMATAY. PERO BAKIT AKO ANG NAKULONG?
Imagine this:
May lisensya ka. May helmet. Maayos ka mag-drive. Sumusunod ka sa batas.
Tapos may sumalpok sa’yo — walang lisensya, walang helmet, reckless, at walang pakialam sa kalsada. Dahil sa kanya, may nangyaring banggaan… at siya ang namatay.
Sino ang nakulong? IKAW.
Bakit ganito ang hustisya sa Pilipinas?
Bakit kung sino pa ang sumusunod sa batas, siya pa ang nadidiin?
Bakit ’yung irresponsable, biglang nagiging “biktima” at ikaw ang salarin?
💔 Ang masakit, ikaw na nga ‘yung nag-ingat, ikaw pa ang kailangang dumaan sa kulungan, ang pamilya nung irresponsableng driver, puwedeng magsampa ng kaso laban sa’yo.
Hindi ba dapat baligtad?
Kailangan ba talagang magdusa ang isang taong ginawa ang tama, just because siya ang buhay?
⸻
👉 Hindi ba panahon na para baguhin ang ganitong sistema?
👉 Tama bang ‘yung may konsensya, may lisensya, at may malasakit sa kapwa ang ikulong, habang ‘yung lumabag sa lahat ng batas ay pinagtatanggol pa?
👀 Baka bukas, ikaw na ang makulong kahit wala kang kasalanan.
Ctti