
31/07/2025
Piliin mong gumawa ng tama kahit walang nakakakita.
Walang tamang panahon para gumawa ng mali.
Hindi yan depende sa oras, pagkakataon, o kung may nakakakita. Dapat palaging tama ang pinipili natin, kahit walang matang
nakamasid o tengang nakakarinig.
Ito ang sabi sa,
Mga Kawikaan 10:9 RTPV05
"Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw."
Ang tunay na integridad ay hindi nasusukat sa kung ano yung nakikita ng iba, kundi sa mga desisyon at kilos mo kahit walang
nakakakita.
Ibig sabihin, huwag kang gumawa ng masama sa iyong kapwa kahit may pagkakataon pa. Dahil sa huli, baka ikaw rin ang mapahiya. Ang paggawa ng mali ay laging may balik, maliit man o malaki. Piliin mong gumawa ng may integridad at respeto sa iba.
Palagi nating iingatan ang ating integrity. Huwag tayo magpadala sa mga tukso o sa inggit na magpu-push sa atin na manglamang o gumawa ng mali. Yes, maaaring madali at mabilis makuha ang gusto natin sa mga maling paraan, pero sa huli, tayo rin ang magdurusa.
Sabi nga,
"Walang lihim na hindi nabubunyag "
Maitago mo man yan nang napakahabang panahon hindi mo matatakasan kung ano yung kaparusahan sayo.
Sabi nga sa
Galatians 6:7
"Do not be deceived: God cannot be mocked. A man reaps what he sows."
Sa Tagalog
"Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin."
Hindi tao ang huhusga sa atin kundi ang Diyos. Ang Diyos ang nakakakita ng lahat, at ang Kanyang mga plano para sa atin ay mas maganda kaysa sa anumang pansamantalang benepisyo na makukuha natin sa paggawa ng masama.
Rooting for you! Never give up!
See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/