08/05/2025
From your Host with most..
📣📣Shoutout sa mga aspiring tattoo models, tattoo enthusiasts, clients, at solid supporters ng tattoo industry!
Kung sasabak kayo bilang on-the-spot o pre-made tattoo model, sana naman mabigyan ng tamang kompensasyon ang mga tattoo artists natin. Hindi porket competition o convention at gipit sa oras, eh babaratin na sila—lalo na’t hirap na nga silang maghanap ng models ngayon. Alam niyo naman, mas rare pa sa limited-edition sticker yung willing magpamodel!
Wag naman sana yung "entry fee, pagkain, o pamasahe lang" ang bayad. Grabe naman yun—parang buy-one-take-one na tattoo! Yung mga artists natin, hindi lang po yan pumipitik ng karayom, kundi nagsasalin ng talento, pawis, at dedication sa balat niyo. Masterpiece po yan, hindi stamp pad!
At ito pa, balita ko, may mga tattoo models na may secret group chat pa kamo (nabalitaan ko lang, hehe). Nagmi-meeting pa para baratin ang mga artists? Wag naman po ganun, mga kapatid! Sige nga, sino dito yung may group chat na “Discount Squad”?
Alam niyo bang yung pagsali sa international convention o tattoo competition ay experience of a lifetime? Koneksyon, kaibigan, at kwento ang dala niyan—yung tipo ng adventure na ikukuwento mo sa mga apo mo balang araw. Kaya sana, pahalagahan niyo rin. In reality, affordable na nga talaga yung mga rates, wag niyo naman sagarin ng todo.
Anyway, salute sa mga collectors, models, at enthusiasts na sumusuporta nang patas at maayos. Alam ko naman na gagawin natin ang tama at nararapat.
God bless po sa lahat!
— Mr. Lowkey
Powered by:
Mummy Tattoo Supply Philippines Official
Madkid Tattoo Product.Ph
Olympustattoo Care Products
Tambay
Stupéfiant
Sugarleaves Supply Co.
Creative Clo.
Pathfinder The Laydown