10/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Marami talagang magulang na ganito ang ugali. Sa group chat pa lang, makikita na kung paano sila makipag-usap, nakakalungkot isipin na sila mismo ay tila walang respeto o tamang asal. Kung ganito ang asal ng mga magulang, paano na ang kinabukasan ng mga anak?
Bilang isang magulang, sang-ayon ako sa sinabi ni Ma'am Unfiltered Life of Karla ang values ay unang natututuhan sa bahay. Tayo ang unang g**o ng ating mga anak. Tayo ang dapat nagtuturo kung paano makitungo sa kapwa, paano sumagot ng maayos, at paano magpakita ng respeto sa ibang tao.
Ang papel ng mga g**o ay hindi para palitan tayo, kundi upang ipagpatuloy at palalimin ang mga aral na dapat ay naituro na natin sa tahanan. Gagabayan nila ang mga bata habang nasa paaralan, pero ang pundasyon ay dapat nanggagaling sa atin.
At para sa mga magulang na laging negatibo ang pananaw at komento—baka oras na para tingnan din natin ang ating sarili. Baka may hindi tayo namamalayang asal na naiimpluwensyahan na ang ating anak.
 Tandaan, ANG ASAL NG BATA AY MADALAS REPLEKSYON NG ASAL SA BAHAY.