Jemary Sebastian

Website

Jemary Sebastian Wife ● Mom ● Business owner ● Servant of God
Faith + Family + Business + Purpose ✨️
Wise Cleaner Wise Clothing Wise Skin

02/10/2026

Hindi man biglaan ang balik ang importante may pumapasok na kita kada buwan. Unti unti mababawi din ang pinuhunan.

Sa apartment kasi patience talaga ang puhunan kapag may maayos na unit at tuloy tuloy ang tenant nagiging steady source of income din siya.

Hindi kailangang mabilis basta consistent ang pasok ng renta malaking bagay na rin yan sa long term.

01/10/2026

Kung may bakanteng space sayang naman kung hindi mapapakinabangan.
Sulitin yung available na area at gawing steady source ng extra income. Kahit paunti unti ang dagdag malaking tulong din kapag tuloy tuloy buwan buwan.

Yung dating bakanteng lugar pwedeng maging income generating space. Basta maayos ang plano bawat unit may ambag sa kita.

30/09/2026

Mas sustainable ang negosyo kapag marunong tayong pumili ng mas practical na paraan. Hindi lang dapat kita ang iniisip pati yung gastos at kung paano ito mapapakinabangan sa pangmatagalan.

Kaya malaking bagay yung pagiging smart sa paggamit ng energy. Yung mga simpleng pagbabago sa araw araw pwedeng makatulong para mabawasan ang unnecessary expenses habang mas maayos ding ginagamit ang resources.

Sa negosyo hindi naman kailangang komplikado agad minsan nagsisimula lang sa tamang choices.

29/09/2026

Hindi lang basta magipon para may pera kang magastos. Mas maganda kung yung naiipon mo ngayon ay pwedeng lumago at maging source of income sa future.

Pwedeng magsimula sa maliit. Magtabi ng pera at pag-aralan kung anong negosyo ang kaya mong pasukin at unti unting palaguin kung saan ka komportable. Hindi kailangan malaki agad ang puhunan para makapagsimula.

Ang mahalaga may ginagawa kang hakbang para sa future mo. Yung perang iniipon mo ngayon pwedeng maging puhunan para sa mas magandang buhay bukas.

28/09/2026

May mga tao talagang pangarap magkaroon ng sariling apartment hindi lang para may property kundi para may dagdag na pagkakakitaan habang tumatagal.

Hindi rin naman kailangan sabay sabay ang lahat. Pwedeng magsimula sa ilang units at unti-unting dagdagan kapag kaya na. Ang mahalaga bawat unit may purpose at may potential na kumita.

Kung may lote ka at iniisip mo kung ano ang magandang gawin dito apartment can be one option. Habang may nagpapaupa ka may pumapasok ding income monthly. Simple lang ang concept pero pwedeng maging magandang long term investment.

25/09/2026
25/09/2026

Ang tunay na goal magkaroon ng income kahit hindi ka araw-araw nakatutok sa trabaho. Yung may pumapasok pa rin kahit nagpapahinga ka, may ginagawa sa bahay o may oras para sa pamilya.

Hindi naman kailangan biglaan. Pwedeng magsimula sa maliit na negosyo, sideline o pagkakakitaan na kaya mong palaguin habang may regular work ka pa.

Unti unti lang basta may plano at tuloy tuloy ang kilos. Darating din yung panahon na hindi puro oras mo ang kapalit ng kinikita mo.

24/09/2026

Hindi naman kailangan na magaling ka agad sa lahat. Sa negosyo normal lang na may mga bagay na hindi mo pa alam at may mga pagkakamaling pagdadaanan. Ang mahalaga, willing kang matuto at hindi ka natatakot magtanong.

Habang tumatagal mas marami kang matututunan mula sa paghawak ng pera pakikitungo sa customers hanggang sa pagmanage ng operations. Hindi overnight ang pagiging mahusay na business owner.

Kaya kung nagsisimula ka pa lang wag mong ipressure ang sarili mo na dapat alam mo na lahat. Matuto ka lang ng matuto, ayusin ang mga pagkakamali, at unti unting magimprove. Doon talaga lumalago ang negosyo.

24/09/2026

Sa panahon ngayon malaking bagay talaga ang makatipid sa kuryente lalo na kung negosyo ang pinag uusapan. Kaya maraming business owners ang nagsisimulang iconsider ang solar panels bilang dagdag na investment para mabawasan ang monthly electricity bill.

Oo may gastos sa umpisa pero once installed na makatulong ng malaki sa long term expenses. Imbes na puro dagdag ang iniisip sa bawat taas ng singil sa kuryente may sarili kang source ng energy na magagamit araw-araw.

Kung matagal mo nang iniisip kung sulit ba ang solar para sa negosyo baka magandang panahon na para pag aralan ito. Hindi man instant ang balik ng puhunan pero kapag maayos ang setup at usage pwede itong maging malaking tulong sa pagmanage ng gastos sa mga susunod na taon.

Address

Las Piñas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jemary Sebastian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share