09/01/2026
Kasunod ng pagbaba ng unemployment rate, nanawagan si House Committee on Labor and Employment Chairperson at Cavite Rep. Jolo Revilla sa agarang pagpasa ng panukalang National Wage Law, iginiit na hindi sapat ang pagkakaroon ng trabaho kung hindi naman patas ang sahod.
Ayon sa kanya, dapat wakasan ang sistemang nagtatakda ng sahod batay lamang sa lokasyon at itaguyod ang isang National Minimum Wage System upang ipantay ang sahod sa buong bansa.
Sa ilalim ng panukala, unti-unting itataas ang sahod sa lahat ng rehiyon upang umabot sa pinakamataas na regional wage sa loob ng tatlong taon. Giit ni Revilla, ang tunay na layunin ay trabaho na may dignidad, patas na sahod, at pangmatagalang seguridad para sa mga manggagawa.