11/05/2026
Nakakatakot makita yung mga ganto, isang relasyon na dapat sana pagmamahal at respeto pero nauuwi sa sigawan at pisikal na sakitan.
Hindi normal ang saktan ka ng taong mahal mo. Hindi mo deserve ang takot sa sarili mong tahanan. Hindi mo kailangang ipaglaban ang isang relasyon na paulit-ulit kang sinasaktan, kahit asawa mo pa yan. Minsan kasi nasasanay tayo sa idea na “kaya ko pa ito tiisin para sa mga anak ko” o “baka magbago pa siya.” Pero ang tanong, ilang beses mo pa ba kailangang masaktan bago mo piliin ang sarili mo?
Tandaan mo, ang pagmamahal na may kasamang pananakit ay hindi tunay na pagmamahal. Hindi ito stability, hindi ito pamilya, at lalong hindi ito peace of mind. Kung araw-araw kang kinakabahan, umiiyak, at nagdadalawang-isip kung magiging maayos paba kayo, hindi na yan healthy. You are not living, you are surviving.
Minsan mas mabuti pang piliin ang tahimik na buhay mag-isa kaysa sa relasyon na puno na ng trauma. Oo, nakakatakot maging single mom, pero mas nakakatakot ang manatili sa sitwasyong unti-unti kang nauubos.
Ngayong Mother’s Day, para sa lahat ng nanay na lumalaban sa ganitong klaseng sitwasyon, sana maalala mo ito. Worth it ka mahalin ng maayos. Worth it ka sa respeto. Worth it ka sa kapayapaan. Hindi ka selfish kung piliin mong umalis. Hindi ka mahina kung piliin mong protektahan ang sarili mo. Strong ka kasi pinili mong mabuhay ng payapa.
Sometimes, leaving is not giving up. It is saving yourself.
ORIGINAL POST/VIDEO HERE https://www.facebook.com/share/v/18kDsjioVE/?mibextid=wwXIfr