22/09/2026
Nakita ko ung balita noon na nakawalan SJDM ng tubig. Good to see recently from this post that there's good progress and increase in water production of more than 10 million liters per day this month compared to May 👀
UNTI-UNTI NANG RAMDAM ANG PAGBABAGO
Dala ng tuloy-tuloy na rehabilitasyon sa ating mga water treatment plant at pasilidad, pumalo na sa 145.09 Million Liters per Day (MLD) ang average daily water production sa San Jose del Monte ngayong Setyembre. Mas mataas ito ng 13.54 MLD kumpara sa 131.55 MLD noong Mayo—patunay na paakyat at patuloy na gumaganda ang supply ng tubig sa ating lungsod!
Ang karagdagang milyun-milyong litro ng tubig araw-araw ay patunay ng konkretong aksyon upang maresolba ang dekada nang problema sa patak-patak o kawalan ng tubig sa ating mga barangay.
Saan nagmula ang karagdagang supply?
• Rehabilitasyon ng Planta: Agarang pagkumpuni at pagpapalakas sa kapasidad ng mga water treatment facility sa lungsod.
• Pagkontrol sa Non-Revenue Water (NRW): Mabilis na pag-selyo sa mga leak at sirang linya upang hindi masayang ang malinis na tubig.
• Pagtutulungan ng Pamahalaan at Metro Pacific: Sa pangunguna nina Mayor Ate Rida Robes at Cong. Arthur Robes kasama ang Metro Pacific Bulacan Water, tuloy-tuloy ang mga upgrade para matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang San Joseño.
Hindi pa dito nagtatapos ang layunin nila—patuloy ang mga proyekto hanggang sa makarating ang sapat at malinis na tubig sa bawat tahanan sa buong San Jose del Monte!