
19/08/2025
"Umalis kami ng boyfriend ko sa bahay nila dahil.."
Hello, I’m 25F just call me lorraine. Working as call center. I have a LIP 28M we’re 5yrs and 5months living together and soon having an angels, and masasabi ko na masya na kami ngayon.
Year 2019 kami nagkakilala ng partner ko at first puro vc lang kami and week after we decided to see each other and have dinner. Kamustahan lang at pasyal lang ang ginawa namin that time.
(Fast forward)
December 25 2019 ng ipapakilala niya ako fam niya, kaya 24 palang nag ready na ako sa lahat i bought them a cake & spring rolls since requested ng bf ko and it’s his favorite mabait naman sila at maayos pakikitungo sakin.
hanggang sa lagi nakong bumibisita sakanila i always bought them a snacks every time na pumupunta ako sakanila at minsan natutulog din ako sakanila pag late na talaga. masaya sila kasama at makwento.
2020 my bf decided na tumira nalang ako sa bahay nila instead na mag pay every month ng rent, ipunin ko nalang daw ang sinasahod ko for my needs & wants at siya na bahala sakin since may work din naman siya sa isang company. pinaalam niya ito sakanyang pamilya at they agree naman dahil gf naman daw ako at sigurado naman daw sakin ang bf ko. right after lumipat na ako sakanila, sa unang taon na pag stay ko sakanila ay okay pa naman. Pero dumating ang araw na hindi ko ineexpect.
i went home, nasa pintuan palang ako ng narinig kong may nag paparty dahil birth day ng mom ng bf ko, puro fam lang sila at iba pang relatives niya galing sa ibang lugar.
They ask me to join them at sabi ko pagod po kase ako ngayon dahil on site ako lagi at walang maayos na tulog and aside from that may pasok pako ng 6 am the next day, at sinabi kong babawi nalang ako sa susunod since wala din don ang bf ko, nag paalam nako papasok ng kwarto. nagulat ako dahil sa sinabi ng mom ng bf ko “ ang kj mo naman, minsan lang mag aya sayo ganyan kapa! buti nga pinatira kita dito kahit ayaw ko, kung hindi lang ako pinilit ng anak ko tara na marami pa namang trabaho dyan.”
para akong nag freeze papasok sa kwarto namin at narinig kopa ang tita niya na “ ayan ba yung sinasabi niyo sa gc natin na nuknukan ng arte?, now i know”.
“papasok napo ako” sabi ko. i dont know what to do that time and i tell about it to my bf and nagalit siya at pinagsabihan ang mga tita niya at fam niya na kasama namin, maski nadin ang gc nila pina removed. he apologized to me for what his family did to me.
after what happened, we decided to moved in pero sa kamag anak niya rin na malayo. Okay din pakikitungo samin pero hindi rin nag tagal ganon din, kaugali din ng family niya. Dahil pumupunta sila don every weekends kinekwento pa nila na puro kami sarap buhay. and i found out na hindi parin sila tumitigil sa pag kwento at pag sira sakin/samin.
nag chat din ang mga kapatid at mom niya sakanya, dahil nahahawakan ko ang phone niya nakikita ko ang conversations nila.
“nak, mag padala kana wala na kaming pagkain dito.” Ayan ang laging conversations nila ng mom niya, ganun din sa mga kapatid niya. nag papadala naman siya every 15&30
pero grabe 3 days palang nanghihingi nanaman, namomroblema na ang bf ko dahil ubos na ang savings niya at lagi pa siyang absent dahil stress siya simula nung nalaman niya na ganon yung pakikitungo sakin ng fam niya, so i insist na ako na muna ang mag bibigay hanggang dipa siya okay at minsan din naman nag bibigay ako sinasama ko sa pinapadala ni bf para tanggapin nila, di rin naman sila iba sakin at i know na magiging part of the fam din ako soon.
one night, yung pinsan niyang babae na close ko which is lagi kong nakakasama sa work, nag kwento sakin about sa nangyayare sa bahay ng bf ko, lagi raw natatalo sa sc4tter yung mom niya and yung mga kapatid niya raw hindi na nakakapasok dahil walang pang kain at walang baon, minsan pa raw binibigyan niya ng pagkain at baon para lang pumasok at makakain. I was shocked dahil lagi naman kaming nag papadala sakanila at bukod pa ang pambaon ng mga bata niyang kapatid.
hindi naman kami pumapalya sa pag papadala minsan panga advance at iba pa yung sa ibang gastusin nila at bills. Tatlo lang naman ang kapatid niya na maliit since 6 sila yung dalawa ay hindi na nag aaral at puro barkada, inuman ang inaatupag, wala na nagawa ang mom niya dahil di naman nasunod sakanya. may ibang asawa nadin kasi ang mom at isa din ‘yon sa dahilan kung bakit kami bumukod, dahil hindi matanggap ng bf ko na ganun nalang kadali palitan ng mom niya ang dad niya. when his dad passed away, 1 week lang palang wala ang dad niya inuwi na agad ito ng mom niya sa bahay na pinundar ng dad niya.
when i got home, sinabi ko sa bf ko lahat ng kinwento sakin ng pinsan niya at kinonfirm niya kung totoo, he rushed to their home at walang dagdag o bawas lahat ng kwento, makalat at kung sino sino nalang ang pinapapasok sa bahay nila maingay and even other appliances wala na rin. totoo lahat i was disappointed dahil yung pera na pinaghihirapan namin hindi manlang napakinabangan sa magandang paraan we stop sending money to them, nirestrict ko lahat ng fam niya at ganun din ang ginawa ni bf. he did not confronted his mom instead kinausap niya ang kapatid niyang sunod sakanya, at ang sabi lang “ bahala kana, binago kana talaga ng puny3tang babae nayan, ginayuma ka ata niyan.” He did not do anything to his sister. kahit galit na siya dahil kasama niya ako that time. We leave disappointed and without a word.
his mom message him
“ alam kona lahat ng sinabi mo sa kanya, mag padala ka parin dahil alam mong wala na akong trabaho tinanggal nako wala pa naman kayong anak tumulong ka na muna sakin dahil wala din naman kayong pagkakagastusan kailangan ko ng pera dahil wala na kaming supplies dito, hindi ko pinapabayaan ang mga kapatid mo, hindi katulad mo na tinalikuran kami kasama ng babae nayan” he ignored.
hanggang sa kung ano ano na pinagsasabi against me at hindi raw kami magiging masaya with bad words pa kahit sarili niyang anak pinagmumura niya. That was the last message we received from them.
lumipat na kami ng tinitirahan at ngayon, masasabi kong masaya na kami, without any connections to them. and im happy that im 5 months pregnant now, and I promise to my self that my children will not experience what we experienced before i will give them the life that they deserve.
salamat sa pagbabasa, gusto ko lang ilabas lahat dahil malayo ako sa mom & family ko ngayon. and gusto din namin malalaman sa opinyon ng iba kung tama ba ang ginawa namin o selfish ba kami dahil mas pinili naming magkaroon ng peace of mind:)