Confession Stories 3.0

Confession Stories 3.0 π—–π—Όπ—»π—³π—²π˜€π˜€π—Άπ—Όπ—» π—¦π˜π—Όπ—Ώπ—Άπ—²π˜€β€οΈ
"Mga totoong karanasan na hango sa tunay na buhay"

21/10/2025

Ang binuo kong pamilya ay wala na😭

"TINULUNGAN KO LAMANG TUMAKAS ANG BABAENG HUMINGI NG TULONG DAHIL SIN4S4KTAN SIYA NG ASAWA NIYA PERO HINDI KO ALAM NA AA...
20/10/2025

"TINULUNGAN KO LAMANG TUMAKAS ANG BABAENG HUMINGI NG TULONG DAHIL SIN4S4KTAN SIYA NG ASAWA NIYA PERO HINDI KO ALAM NA AABOT AKO SA POINT NA.."

Dear ate Elma, tawagin mo na lang ako sa pangalang Gemma 33 years old. May asawa po ako at tatlong anak. Gusto ko po sanang maglabas ng pinagdadaanan ko. May babae kasing humingi ng tulong sa akin dahil sin4s4ktan siya ng asawa niya kaya naman hindi ko na tiis na hindi tulungan.

Tatlong araw ko siya pinatuloy bago siya umalis kaya naman naging kampante ako dahil alam kong ligtas na siya. Kaya lang ilang araw ang nakakalipas may napapansin akong tao sa likod ng bahay namin kaya naman sinabi ko iyon sa asawa ko dahil nagkaroon ako ng t4kot.

Ilang araw lang hindi nagparamdam pero habang wala ang asawa ko, dahil nag over night ito sa trabaho niya pinasok kami ng hindi ko kilalang lalaki at hinahanap ang asawa niya. Sobrang t4kot na t4kot ako ng time na iyon dahil tinutukan niya kami ng b4r!L at bin4ntaan na babalikan.

Tumakas po ang lalaki, at naisip kong asawa iyon ng babaeng tinulungan ko. Sinabi ko sa asawa ko ang nangyari at nagalit pa ito sa akin dahil tutulong daw ako tapos ako pa mapapah4mak bandang huli. Sa halip na maawa sa akin ang asawa ko umalis sila ng anak ko at iniwanan sa bahay namin na mag isa.

Sinabi ko na po sa baranggay namin ang nangyari kaya lang hindi ko nakita ang mukha ng lalaki dahil may taklob ito, at hanggang ngayon hindi pa siya nahahanap. Mayroon po akong maliit na tindahan kaya nanghihinayang akong iwanan dahil ito lang ang hanap- buhay ko.

Hindi ko inaaasahan na tutulong lang ako bandang huli ako pa ang mapapah4mak. Hindi naman kasi kaya ng konsensiya ko na pabayaan ang babae. Mali po ba ang ginawa ko? Hihingi po sana ako ng advice sa mga tagasubaybay mo maraming salamat po..

20/10/2025

Hindi ko akalain na❗️

20/10/2025

Nagkatotoo ang panaginip ko❗️

"NAGALIT AKO SA NANAY NG BOYFRIEND KO DAHIL HINDI NIYA KAMI PINAYAGAN NA MAG TABI NI BOYFRIEND KO DAHIL SA.."Dear ate El...
19/10/2025

"NAGALIT AKO SA NANAY NG BOYFRIEND KO DAHIL HINDI NIYA KAMI PINAYAGAN NA MAG TABI NI BOYFRIEND KO DAHIL SA.."

Dear ate Elma, itago mo na lang ako sa pangalang Kristen 28 years old. Mas b4ta sa akin ang boyfriend ko dahil 20 years old pa lamang ito, at nag aaral pa ng college. Bale, ang layo ng bahay ng boyfriend ko ay kabilang baranggay lang at kapag dayoff ko sa trabaho sakanila ako dumidertso dahil gusto kong makasama ang boyfriend ko.

2 years pa lamang po ang relationship namin at para sa akin ako iyong meron sa ngayon kaya ako na lang ang palaging gumagastos tuwing magkasama kami. Mabait naman sa akin ang mama niya kaya lang minsan ng hiniling kong makatabi ang boyfriend ko sa kwarto niya ay nagalit ito dahil sisirain ko na daw ang buhay ng boyfriend ko.

Hindi ko maintindihan pero ako iyong babae pero iyong anak niya ang sobrang pinoprotektahan niya. Nagalit din ako at umalis sakanila dahil hindi nila pinayagan na mag katabi kami, dahil kapag natutulog ako doon ang kapatid niya ang katabi ko sa kwarto ko. Alam kong mas b4ta pa ang boyfriend ko kaysa sa akin pero kakayanin ko naman sakaling mabuntis ako.

Sumama din loob ko kay boyfriend dahil hindi niya ako naipagtanggol sa mama niya, hindi niya ako kayang ipaglaban dahil pakiramdam ko mas mahal niya ang nanay niya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang relasyon namin dahil sobrang protective ng nanay niya. Gusto ko po sanang humingi ng advice sa mga tagasubaybay mo maraming salamat po.

19/10/2025

Katabi namin ang ate nya habang❗️

18/10/2025

Gustong kupkupin ng asawa ko ang dating mag ina nya❗️

18/10/2025

Mahirap singilin ng utang ang manugang ko dahil❗️

18/10/2025

Nagiging paran0id na ang asawa ko dahil❗️

"DAHIL WALA AKONG SARILING BAHAY, TUWING NATUTULOG TUMATAGILID NA LANG AKO SA HARAP NG DINGDING TUWING BUM4B4Y0 ANG ASAW...
17/10/2025

"DAHIL WALA AKONG SARILING BAHAY, TUWING NATUTULOG TUMATAGILID NA LANG AKO SA HARAP NG DINGDING TUWING BUM4B4Y0 ANG ASAWA NI TITA KAYA NAMAN DUMATING AKO SA POINT NA.."

Dear ate Elma, itago mo na lang ako sa pangalang emy 20 years old. Ulila po ako sa magulang at wala ring kapatid. Nagpasulat lang po ako sa pages mo para makahingi ng advice sa mga tagasubaybay mo. Wala po akong cellphone, nakikinood lang po ako sa pinsan ko tuwing gumagamit siya.

Kahit elementary hindi ko po natapos, nakikisiksik lang ako sa bahay ng tita ko dahil wala po akong sariling bahay. Namatay ang magulang ko sa sunog, ng b4ta pa ako walang natira kahit na ano sa akin kaya naman hindi na rin po ako nakapag aral. Tumutulong lang ako sa gawaing bahay.

Maliit lang bahay ni tita iisang kwarto nagkaroon siya ng kinakasama at ngayon tatlo na kami sa iisang higaan. Madalas naririnig ko at nararamdaman na bin4b4y0 si tita ng asawa niya kaya naman tumatagilid na lang ako tuwing nararamdaman ko iyon.

Hindi po ako nakakatulog ng maayos dahil halos sa kaunti lang higaan ako nakahiga. Lalo po akong naiilang kapag may ginagawa sila pero wala po akong magawa, gusto ko po sanang magkaroon ng trabaho pero natatakot po akong sumubok dahil wala po akong karanasan at walang pinag aralan. Hihingi po sana ako ng advice o opinyon sa mga tagasubaybay mo maraming salamat po..

17/10/2025

Nagkunwari akong tulog pero❗️

Address

Legazpi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confession Stories 3.0 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share