
21/07/2025
BREAKING NEWS: Meta Binura Na ang FB Pages ng 20 Influencers Dahil sa Illegal Online Gambling!
Tinanggal na nga ni Meta ang mga page ng 20 influencers na umano’y sangkot sa promosyon ng illegal online gambling. Ang mga naturang pages ay isinumite para sa review at aksyon matapos itong iendorso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Kabilang sa mga tinamaan ang mga kilalang personalidad gaya nina:
❌Sachzna Laparan – may 9.7 million followers
❌ Boy Tapang – may 5.5 million followers
❌ Mark Anthony Fernandez – may 242,000 followers
❌ Kuya Lex TV – may 100,000 followers
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa online sugal, kung saan ginagamit ang social media upang maakit ang mga kabataan sa mga ilegal na plataporma sa pamamagitan ng endorsements mula sa mga influencer.