Dairy Diary

Dairy Diary Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dairy Diary, Digital creator, Legazpi.

Buhay at karanasan bilang Dairy Farmer sa New Zealand: tips, kwento, at inspirasyon para sa mga Pilipino na nangangarap mag-abroad. ๐ŸŒฑ๐Ÿ’ผ
โš ๏ธ Disclaimer: Hindi kami agency at hindi nag-aalok ng trabaho; info at inspiration lamang.

๐ŸŒŸ โ€œPrayer is Powerfulโ€ ๐ŸŒŸKapag naniniwala kang makapangyarihan ang panalangin, alam mong hindi lang ito basta mga salita,...
27/09/2025

๐ŸŒŸ โ€œPrayer is Powerfulโ€ ๐ŸŒŸ
Kapag naniniwala kang makapangyarihan ang panalangin, alam mong hindi lang ito basta mga salita, ito ay isang pakikipag-usap sa Diyos na nagbibigay-lakas ng loob, kapayapaan, at pag-asa.

Sa gitna ng mga pagsubok, ang panalangin ang nagiging sandalan mo.

Kapag hindi mo na alam ang susunod na hakbang, dito ka nakakahanap ng gabay at direksyon.

Sa oras ng pangungulila o pangamba, ito ang nagbibigay ng kapanatagan at kumpiyansa na hindi ka nag-iisa.

Ang panalangin ay hindi laging agad nasasagot ayon sa gusto natin, pero naniniwala tayo na laging may sagot: oo, hindi pa ngayon, o may mas mabuti pang nakalaan.
Ito ang nagpapalakas ng pananampalataya na may Diyos na nakikinig at kumikilos kahit sa mga bagay na hindi natin nakikita.

๐Ÿ™๐Ÿ’ซ Kung naniniwala kang โ€œPrayer is Powerful,โ€ pinipili mong kumapit sa pag-asa at manalig na may higit na plano at kabutihan na naghihintay.

Hi Sis,Sinubukan kitang kausapin nang maayos pero hindi mo ako pinakinggan, tinurn-off mo pa ang comment section at binl...
27/09/2025

Hi Sis,
Sinubukan kitang kausapin nang maayos pero hindi mo ako pinakinggan, tinurn-off mo pa ang comment section at binlock ako. Sayang, gusto ko lang sanang ayusin nang maayos ang issue natin.
Kung magkaroon ka man ng problema sa page o monetization, you deserved it. Hindi lang ako ang ninakawan mo ng audio-script, alam mo โ€˜yan sa sarili mo.
Sana huwag mong ugaliin ang ganitong gawain. Nasa NZ ka na, sana ihinto mo na ang ugaling buwayang magnanakaw na nakasanayan ng mga nasa gobyerno sa Pinas.

26/09/2025

Palaging merong dalawang uri ng kwento.
Una, ang ganda palang magwork dito sa New Zealand kasi dito ko naranasan mga bagay na di ko naranasan noong nasa Pinas pa ako.
Pangalawa, ang lungkot pala magwork dito sa New Zealand kasi dito ko naranasan mga bagay na diko naranasan noong nasa Pinas pa ako.
Now decide, anong klase ng kwento ang gusto mong ikwento? Nasa mga kamay mo kung paano mo gustong isulat ang kwento mo.๐Ÿค—

26/09/2025

Good news: Walang buwaya at ahas sa New Zealand.

Bad news: Nasa gobyerno ng Pilipinas sila at ninanakaw ang kaban ng bayan. ๐Ÿ๐ŸŠ๐Ÿ’ธ

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta. May God bless you po.๐Ÿค—
26/09/2025

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta. May God bless you po.๐Ÿค—

26/09/2025

Life update
Wala nang boses kakarecord para sa good for 2 weeks na videos(topic) dahil 12 days-on & 2 days-off sa work๐Ÿค—
Sana po maappreciate nyo๐Ÿ˜Œ

Sa mga content creator na katulad ko, ano ang best approach para sa mga kagaya nito?๐Ÿค—
26/09/2025

Sa mga content creator na katulad ko, ano ang best approach para sa mga kagaya nito?๐Ÿค—

25/09/2025

Effort na effort akong magresearch ng mga may kabuluhang topic para mashare sa page, may kapwa Filipino Content Creator na andito sa NZ na ninanakaw ang script ko at nilalapatan lang ng ibang video.๐Ÿ˜”

25/09/2025

Mas ok nang umuwing pagod galing sa trabaho.๐Ÿ‘ทโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿญ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ผ ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพKesa umuwing pagod sa kakahanap ng trabaho.
Appreciate your job ,dahil madami ang hindi makahanap at walang trabaho.๐Ÿ’”

24/09/2025

Puyat + trabaho + gawaing bahay + kain habang edit + reply sa comments = buhay content creator
Kung may โ€˜sleepโ€™ pa sa schedule, bonus na lang. ๐Ÿคฃ Saka ka pagmumurahin sa comment section. "Tank in a mow"๐Ÿคญ

24/09/2025

Thank you sa lahat ng support niyo! ๐Ÿ’› Sorry kung hindi ako makapag-reply kasi late na dito,
maaga pang pasok bukas, pero super appreciate ko kayo. Salamat po! ๐Ÿค—

22/09/2025

๐Ÿ‡ณ๐Ÿ‡ฟ Mga Recruitment Agency na Nasa New Zealand
(pwede applyan ng mga Filipino workers)

CC Recruitment โ€“ tumutulong sa employers at migrants, may focus sa dairy, trades at hospitality.

Greenstone Recruitment โ€“ kilala sa agri/dairy at nagbibigay din ng support sa visa at settlement.

RecruitNZ โ€“ may direct partnership sa Pilipinas para sa skilled workers, all-in recruitment support.

Working In NZ โ€“ ethical recruiter na tumutulong sa paghanap ng trabaho at employer accreditation.

Eagle Recruitment โ€“ legit NZ recruiter na may koneksyon sa POEA/DMW at direct employers.

๐Ÿ‘‰ Reminder: Laging i-check kung DMW/POEA accredited para siguradong legal at iwas scam.

Address

Legazpi

Website

https://www.tiktok.com/@dairydiary.ph?is_from_webapp=1&sender_device=pc

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dairy Diary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dairy Diary:

Share