16/09/2025
๐๐ ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐ | Krystine V. Bellen
[2/2]
Idinaos ang panapos na palatuntunan para sa pagdiriwang ng Science Week 2025 sa Banquerohan National High School (BNHS) kahapon, Setyembre 15, sa covered court ng paaralan na may temang โHarnessing the Unknown: Powering the Future through Science and Innovation," kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral na nagpamalas ng natatanging galing at talino.
Pinangunahan ang nasabing gawain ng STEM Club Officers at mga g**o sa Agham, na dinaluhan ng lahat ng mag-aaral mula sa Baitang 7-10 ng Science, Technology, and Engineering Curriculum (STEC) at Baitang 11-12 ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand.
Pinakatampok sa palatuntunan ang paggawad ng sertipiko pagkilala sa mga mag-aaral na masigasig at buong tapang na nagpamalas ng kanilang husay sa mga patimpalak.
Pinarangalan at itinanghal na kampeon sa Aghamazing Quiz sina Marco Oliver Aringo, Karisa Julia Espedido, at John Ace Araya, na sinundan nina Cristine Mirabel, Fiona Perdigon, at Niรฑa Chloe Manata bilang ikalawang puwesto, at sina Marian Dagta, Ashley Nicole Baldon at Shennerie Mae Canapit naman sa ikatlo.
Sa patimpalak sa Science Olympiad, nakuha ni Karisa Julia Espedido ang unang puwesto, sinundan nina John Ace Araya, bilang ikalawa, at Eliza Poche, bilang ikatlo.
Sa pagalingan naman sa Digital Poster Making, kinilala bilang kampeon si Moriel Aringo, pumangalawa si James Zaque Loreto, at pumangatlo si Christine Mapula.
Nakuha naman ni Franz Kate Marigondon ang unang puwesto, Gemmiah Dhaine Trilles, ikalawang puwesto, at Scarlet Shane Sodsod, ikatlong puwesto sa Science Magic Show.
Samantala, nanguna naman sa Robolympics si Mark Lorenz Rocillo, ikalawang puwesto si Leo Bismonte, at ikatlong puwesto si Kent Monjes.
Binigyan din ng pagkilala ang STEM Club officers at mga g**o sa Agham sa kanilang dedikasyon at suporta upang maisakatuparan ang mga gawain sa pagdiriwang ng Science Week 2025.
Pinuri ni G. Joel S. Bulawan, kawaksing punong-g**o, sa kanyang mensahe ang STEM Club at mga g**o sa Agham sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gawain.
"Always try harder and always believe in Science,โ aniya.
Bago matapos ang palatuntunan, nagbigay rin ng panapos na mensahe si Mary Rose Bayrante, puno ng departamento ng Agham, na nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng g**o, STEM Club officers, kawaksing punong-g**o, at punong-g**o sa suporta at pakikiisa sa pagdiriwang.
โSa bawat activity, experiment, research, at paligsahan, nakita natin kung paano ang Agham ay hindi lamang nasa classroom at aklat kundi nasa ating paligid, buhay, gumagalaw at may kapangyarihan na baguhin ang mundo,โ wika niya.
Kabilang din sa programa ang pagbibigay ng sertipiko sa mga naging hurado ng ibaโt ibang patimpalak.
Ipinagkaloob din ang sertipiko ng paglahok sa mga mag-aaral na masigasig na nakiisa sa lahat ng mga patimpalak.
๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ข:
Mary Nathalie Arcilla
Cassandra Balines
Athena Miel Arcilla
Kristel Basilla
Rahel Ariza Arana
๐๐๐ -๐๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข:
James Zaque A. Loreto
Moriel Aringo