
09/06/2025
| ๐๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ถ๐ด๐ฑ๐ถ๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐๐ต๐๐๐ด๐ฎ
Pinanganak si Juan na may ibang pananaw sa mundoโnakikita niya ang buhay gamit ang ibaโt ibang kulay, na para bang may sariling buhay ang bawat isa, kumikinang gaya ng bahaghari sa kalangitan. Ngunit habang siyaโy lumalaki, unti-unti niyang napapansin ang kanyang kaibahan. Ang kanyang kilos at pananalita ay madalas na tinitingnan nang matatalim, at siyaโy binabato ng mga salitang tulad ng โshokla,โ โbaklush,โ o minsan ay mas masakit pa. Sa kanyang pag-iisa, madalas siyang napapatanong: โBakit may mga taong ayaw sa akin? May mali ba sa akin?โ
Sa bawat araw na lumilipas, ang dating makulay niyang mundo ay unti-unting dumidilim at nawawalan ng buhay. Ang kanyang tunay na kulay ay pilit niyang itinatago sa anino, upang hindi mahusgahan at masaktan ng masakit na realidad. Ngunit si Juan ay parang salop na unti-unting napupunoโpuno ng lungkot, galit, at mga katanungang tungkol sa kanyang dinaranas na hirap. โDahil ba naiiba ako ay masama na?โ bulong niya sa sarili. โDahil ba hindi ako tulad nila ay hindi na ako pwedeng matanggap? Hanggang kailan ako magtatago at magpapanggap?โ
Isang araw, habang siyaโy naglalakad sa kahabaan ng lansangan, nakakita siya ng isang batang puno ng saya at kulay. Sa pagkakita rito, bumalik sa kanya ang masayang alaala ng kanyang pagkabata, kung saan siyaโy malayang nagpapakatotoo; sumasayaw, kumakanta, at nagmamahal nang walang takot. Nabuhayan ng loob si Juan. Nagsimula siyang lumaban, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa mga batang gaya niya, na hindi dapat magpanggap o magtago gaya ng bituin sa likod ng mga ulap. Tumindig siya, buo ang loob. Sa bawat pagtulak ng mga tao, siya ay lalong tumibay; sa bawat panghuhusga, lalo niyang nilalakasan ang tinig na lumaban.
Sa bawat hakbang at sigaw, bumabalik ang kulay sa kanyang daigdig. Dumami ang mga tumitindig kasama niya, at lumakas ang sigawโsigaw ng pagkakaisa para sa pagkakapantay-pantay. Hindi naging madali ang laban, ngunit habang tumatagal ay unti-unti nang nakikita ang tagumpay, bunga ng kanilang sakripisyo at tapang. Ang kanilang pinagdaanang laban ay naging patunay kung gaano kalakas ang komunidad. Patunay na sa kabila ng anumang pagsubok, magkakaroon ng espasyo para sa pagtanggap at pagmamahalan.
Inulan man ng pagsubok si Juan, may bahaghari namang dumating. Habang nakatitig sa makulay na kalangitan, napagtanto ni Juan na kaya ayaw sa kanya ng ibang mga tao ay dahil takot sila sa mga bagay na hindi nila maunawaan. Takot sila sa pagmamahal na hindi nila nakasanayan.
Ang mga kulay sa bahaghari ay hindi lamang nagsisilbing palamuti sa kalangitan; ito ay sumisimbolo sa mga laban, mga sakripisyo, at mga pag-asa. Naintindihan ni Juan na ang pagiging bahagi ng LGBTQIA+ ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang tinitibok ng puso mo, kundi ang pagiging bahagi ng isang malaking pamilya na handang tumanggap, handang magmahal, at handang lumaban para sa mundong lahat ay malayang magpakatotoo.
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ: Nowel Roy Herman Capus, Lingkod Assistant Managing Editor
๐๐ด๐ถ๐ป๐๐ต๐ถ๐ ๐ป๐ถ: Jana Paula Ramirez, Lingkod Head Cartoonist