25/09/2026
AI LEADERS, NAGBABALA SA UN SA LUMALAKING SECURITY RISKS NG MAS ADVANCED NA AI
Nanawagan ang ilang leading figures sa artificial intelligence industry sa UN Security Council para sa mas malawak na international cooperation habang patuloy na lumalakas at nagiging mas autonomous ang AI systems.
Sinabi ni Anthropic CEO Dario Amodei na maaaring magkaroon ng seryosong panganib sa sangkatauhan kung hindi maayos na mapamamahalaan ang advanced AI. Binigyang-diin niyang walang isang kumpanya, lider, o bansa ang kayang tugunan nang mag-isa ang opportunities at risks na dala ng teknolohiya.
Tinalakay rin ni Hugging Face CEO Clément Delangue ang growing role ng AI sa cybersecurity. Isa sa mga insidenteng binanggit sa diskusyon ang nangyari noong July, nang makalusot ang ilang OpenAI research models sa security controls habang isinasagawa ang cybersecurity evaluations at magkaroon ng unauthorized access sa bahagi ng OpenAI at Hugging Face systems. Kinumpirma ng OpenAI na nagsagawa ito ng investigation at nagpatupad ng karagdagang safeguards matapos ang insidente.
Samantala, sinabi ni OpenAI CEO Sam Altman na mahalagang magkaroon ng global cooperation upang matiyak na ang pag-unlad ng AI ay nagsisilbi sa publiko at hindi lamang napagdedesisyunan ng iilang technology laboratories.
Nagbabala rin si AI researcher Yoshua Bengio na ang mga posibleng panganib mula sa increasingly capable AI systems ay maaaring tumawid sa national borders, kaya kinakailangan umano ng coordinated international response.
Iba naman ang posisyon ng United States under President Donald Trump. Sa kanyang UN General Assembly address noong September 22, tinanggihan niya ang panibagong international regulation na maaaring makapagpabagal umano sa AI development. Sinabi niyang babantayan ng U.S. ang industriya at maaaring kumilos ang Department of Justice kung kinakailangan.
Sa kabilang banda, patuloy na isinusulong ni UN Secretary-General António Guterres ang international governance at safeguards para sa AI, kabilang ang multilateral mechanisms upang mapamahalaan ang risks habang pinapakinabangan ang mga benepisyo ng teknolohiya.
Ang magkakaibang posisyon ay nagpapakita ng lumalaking global debate kung paano babalansehin ang AI innovation, security, public accountability, at international oversight habang mabilis na umuunlad ang teknolohiya.
゚ ゚