Kuys Dy

Kuys Dy Motor Show

24/03/2024

Motor Show🔥

Sa panahon ngayon usong uso to andaming sumasali sa ibat ibang lugar. Alam nyo din ba kung anong hirap at pagod na pinagdadaanan bago sumali sa ganitong event? At alam nyo din ba magandang dulot nito sa mga sumasali ? Bale ito is base din sa exp ko sa pagsali.Simula tayo sa motor kung may motor ka na mismo mas okay kase bawas gastos na pero kung bibili ka ng second hand or bago syempre dagdag gastos din yun. Sunod naman kung anong concept ang gusto mong gawin sa motor kung Thai concept ba, malaysian concept ba, stance , pantra at madami pang iba. Sunod naman mga pyesa na ilalagay mo na dapat tugma sa sa concept na gagawin mo dyan medyo mahirap na magisip kasi di maiwasan na magkamali or di natin kaya yung presyo ng ganong pyesa. Sunod naman yung pagbubuo ng motor at paglalagay ng mga pyesa kung tama ba or nagpa-function ba.Sunod yung linis ng motor at mga basic na need talaga ng motor. Kailangang mabusisi talaga sa pagaayos at bibuild ng mga motor natin kaya ganon nalang natin ibigay yung oras natin para dun kaya salamat din sa mga mekaniko/builder natin na walang sawang gumagawa at nagaayos ng motor saludo kami sa inyo.Ang mahirap na part talaga sa isang show ay yung taong mga inaasahang mong susuporta sayo ,marami at di maiwasang makarinig na ano ba napapala nyo dyan? Napapagod at napupuyat lang kayo dyan naguubos lang kayo ng pera dyan, nasasabihan pang mayabang. May tama din naman sila kaso ang di lang nila mainitindihan ay kung anong naibibigay na show satin hindi lang naman para manalo yung habol natin or yung iba kasi yung makalapag dun sa isang motor show masasabi kong panalo na kasi madaming may gusto din na makalapag sa isang motor show, isa pa yung mga pedeng makilalang bagong kaibigan bagong makakasama,yung mga nagpipicture at nakakapansin ng build dun bawi na yung pagod kaya masasabing sulit kahit pagod.Sa lahat ng nagmomotor show at magmomotor show pa balang araw tuloy tuloy lang at maging proud tayo palagi sa kung anong meron tayo. Salamat sa sumusuporta at nakakaintindi . Pls share and comment nyo din exp nyo sa motor show🔥

Address

Lemery

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuys Dy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share