11/01/2026
BABALA ITO AY SENSITIBONG PAKSA❗❗❗
ISANG 8-TAONG-GULANG NA BATA, WALANG AWANG PINATAY SA SAN PABLO, LAGUNA❗❗❗
SAN PABLO CITY, LAGUNA — Isang matinding krimen ang yumanig sa Barangay Santiago, San Pablo City matapos matagpuang wala ng buhay ang isang 8-taong-gulang na batang lalaki, isang Grade 3 na mag-aaral, na umano’y walang awang pinaslang ng hindi pa nakikilalang suspek.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nagtamo ng matitinding sugat ang biktima kabilang ang multiple wounds sa katawan, basag na tiyan, sirang ribs, at pagkaputol ng apat na daliri. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang kweba malapit sa sagingan sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, kakilala umano ng biktima ang suspek. Sa araw ng insidente, naghihintay lamang ang bata sa kanyang ama na naliligo at nakatakdang maghatid sa kanya sa paaralan. Gayunman, habang wala ang ama, sumama umano ang bata sa suspek. Nang lumabas ang ama, wala na ang bata at inakala niyang nauna na itong pumasok sa paaralan.
Labis ang pagkabigla ng pamilya nang malaman na hindi nakarating sa eskwelahan ang bata at kalaunan ay matagpuan na lamang ang kanyang bangkay sa liblib na lugar.
Sa kasalukuyan, masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy at madakip ang salarin. Naglabas na rin ng reward ang mga kinauukulan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong magtuturo sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.
Nanawagan ang pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad magbigay ng impormasyon kung may nalalaman hinggil sa krimen, upang makamit ang hustisya para sa batang biktima at sa kanyang naulilang pamilya.
UPDATE! Ayon sa mga tsismosang kapitbahay, may atraso daw ang magulang sa suspek kaya ang pinagbuntunan ay ang bata na walang kamalay-malay.
゚