03/01/2026
ba't kayo nagbreak?
—pinalaya ko hehe
bakit?
—kasi hindi na ako.
pa'no mo nalaman?
—bigla na lang siyang nanlamig, nagsawa.
paggising ko isang araw 'di ko na siya natawag na akin.
nagparaya ka?
—oo, wala e. do'n siya masaya.
ba't hindi mo ipinaglaban?
—ginawa ko, pero mas masakit palang ipagpilitan.
ba't hindi ka nagstay?
—bakit pa? wala nang rason. wala nang dahilan.
tanggap mo na?
—masakit pa rin haha
mahal mo pa?
—oo, sobra.
ba't mo hinayaan?
—talo tayo 'pag 'di na tayo yung gusto.
Sabi nga nila hindi naman masamang mag habol pero pag ramdam mong hindi na ikaw tama na. Wag mo ng ipagpilitan at ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na talaga sayo.