Chog

Chog Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Chog, Video Creator, Lian.

08/08/2025

Syempre tarantado lang para hindi halatang halimaw magmahal.

Hon. Senator Raffy TulfoSenate of the PhilippinesPasay CityMahal na Senador Tulfo,Magandang araw po.Ako po ay isang Pili...
27/07/2025

Hon. Senator Raffy Tulfo
Senate of the Philippines
Pasay City

Mahal na Senador Tulfo,

Magandang araw po.

Ako po ay isang Pilipinong seafarer na nais iparating sa inyo ang aming hinaing kaugnay ng bagong patakaran sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers (RA 12021), lalo na po sa usapin ng mandatory 80% allotment sa peso account.

Dati po, bilang seafarer, kami ay may tatlong allotments: isa para sa pamilya, isa para sa obligasyon, at isa para sa sarili naming self-allotment — kadalasan po sa dollar account upang diretsong maiipon. Ang 80% requirement noon ay nakabase lamang sa basic pay, kaya nagagawa naming ihiwalay ang fixed overtime pay para sa sariling savings.

Pero sa ilalim po ng bagong batas, ang mandatory 80% allotment ay hindi na lamang sa basic pay, kundi kasama na rin ang fixed overtime. At ayon sa Implementing Rules and Regulations (IRR), ang kabuuang 80% na iyon ay kinakailangang ipadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng peso account lamang.

Oo po, totoo na hindi naman sinabing ang buong 80% ay kailangang ipadala sa asawa o magulang. Pwede naman pong magkaroon ng self-allotment mula sa 80% na iyon.
Pero ang punto po namin ay ito: ang mga opisina o kumpanya ay hindi na nagbibigay ng opsyon para ipadala ang alinmang bahagi ng 80% sa isang dollar account. Ang tanging pinapayagan nila ay peso account lamang.

Dahil dito, nawalan na po kami ng pagkakataon na mag-ipon sa dollar account. Ito po ay malaking kawalan para sa amin. Kapag kami po ang nagse-save sa dollar account, kami mismo ang may kontrol kung kailan namin ito papalitan sa peso — maaari naming hintayin kung kailan mataas ang palitan, at kung saan mas pabor sa amin, mga seafarer. Ngayon, napipilitan kaming tanggapin ang mababang palitan mula sa remittance partner ng opisina, na malaki po ang nababawas sa tunay naming kinikita.

Masakit po ito para sa amin. Kahit sabihin pong “PTS lang ang kaltas,” para sa mga seafarer na buwan o taon ang sakripisyong malayo sa pamilya, napakahalaga po ng bawat dolyar. Dati po, kahit papaano, ay may kontrol kami sa aming kinikita. Ngayon po, tila tuluyan na kaming nawalan ng kapangyarihan sa sarili naming pera.

Nauunawaan po namin na layunin ng batas ang protektahan kami. Pero sa ganitong aspeto, ang mas naprotektahan ay ang opisina, hindi po ang seafarer. Wala pong garantiya na tama ang exchange rate, at hindi rin naman natutukan ng gobyerno kung tama ba ang halaga ng pumapasok sa account namin. Sa totoo lang po, hindi lahat ng ahensya ay tapat, kaya sa huli, kami pa rin ang nalulugi.

Sana po ay ma-review ninyo ang probisyong ito.

Hinihiling po namin na baguhin o i-revise ang probisyon para payagan ang seafarer na pumili kung saan ipapadala ang kanilang sahod — peso man o dollar account — basta’t pasok sa 80% requirement ng basic at fixed OT.

Handa po kaming maglaan ng allottee 1 para sa peso account — para sa mga obligadong deduction tulad ng SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, at iba pa. Pero sana po, ang natitirang bahagi ng sahod ay maaari naming ipadala sa sarili naming dollar account — bilang ipon at proteksyon sa tunay naming kinikita.

Hindi po namin layunin na labagin ang batas. Ang nais lang po namin ay maibalik ang kaunting kalayaan at tiwala sa amin bilang manggagawa. Kami po ang nasa barko, kami ang nagsusumikap, kami rin po sana ang may karapatang magpasya kung paano namin pangangalagaan ang aming pinaghirapan.

Maraming salamat po sa inyong serbisyo sa bayan, at nawa’y mapakinggan ninyo ang aming boses.

Lubos na gumagalang,
Filipino Seafarer

12/07/2024

🤘

Address

Lian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category