31/03/2026
3 DRIVER NAGPOSITIBO SA RANDOM DRUG TEST NG PDEA SA TERMINALS SA NAGA AT LEGAZPI CITY
Sa ginawang surprise random drug testing ng PDEA Bicol sa drivers at konduktor ng public utility vehicles sa terminal ng Naga at Legazpi City, 3 dito ang nagpositibo.
Kabuuang, 172 na PUV personnel ang sumailalim sa drug testing, kabilang dito ang bus, tricycle, traditional at modern jeepney, UV express drivers, at bus conductors.
Sa bilang na ito, tatlong drivers mula sa Naga City Central Bus Station ang nagpositibo sa paggamit ng methamphetamine sa initial screening test, kabilang dito ang 1 bus driver at 2 tricycle drivers.
Ang aktibidad na ito ng PDEA na OPLAN "HARABAS", ay parte umano ng kanilang patuloy na inter-agency initiative para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa rehiyon.
Courtesy | PDEA