21/09/2025
ANG TINIG NG KATOTOHANAN
Pakinggan at isigaw natin ang tinig ng Katotohanan, ng may pananampalataya, ng may dangal, at ng may malasakit sa kapwa. Sa National Day of Protest, sama-sama tayong manalangin para sa ating mga kababayang nagtatanggol at nagsusulong ng katarungan sa Maynila. Ang Katotohanan ang magpapalaya sa ating bayan, at tungkulin nating mga kabataan ng Simbahan na ito’y ipalaganap sa liwanag ng pananampalataya.