25/10/2025
Ang Professional Driver's License Code na A,A1,B,B1,B2,C,D, BE & CE ay katubas noon sa Restriction Code na 1,2,3,7,8.
R1 - Code A & A1
R2 - Code B, B1 & B2
R3 - Code C & D
R7 - Code BE
R8 - Code CE
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1 at wala kang Code B ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code B ay para sa mga Pribadong sasakyan na may timbang na hindi hihigit sa 5000GVW ay may upuang hindi lalagpas ng 8 katao. (SUV, Sedan, XUV)
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B, at wala kang Code B1 ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code B1 ay para sa mga Pribadong o sa mga Pang Pasaherong mga sasakyan na may timbang na hindi hihigit sa 5000GVW at upuang 9 katao o Higit pa. (HiAce, Grandia, Passenger Jeeps)
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B,B1 at wala kang Code B2 ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code B2 (N1)ay para sa mga sasakyang ginagamit sa mga Kargamento na may timbang na hindi hihigit 3500GVW at upuang lalagpas ng 3 katao. (pang Deliver na L300, Travis, H100 at FlexiTruck)
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B,B1,B2 at wala kang Code C ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code C ay nahahati sa dalawang kategorya na (N2 & N3).
--->Ang Code (C-N2) ay ang mga sasakyan na may Timbang mula 3500GVW at hindi hihigit sa 12000GVW na ginagamit sa pagdeliver ng mga Kargamento mapa 4Wheel Trucks o 6Wheel Trucks.
--->Ang Code (C-N3) ay ang mga sasakyang may Timbang mula 12000GVW o higit pa (Heavy Trucks) pang 10Wheel Trucks, 8Wheel Trucks, Dump Trucks, Transit Mixer.
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B,B1,B2,C at wala kang Code D ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code D ay para sa mga Pribadong o sa mga Pampasaherong BUS na may timbang na 5000GVW o higit pa at may upuang 9 katao o higit pa. (Bus, Mini Bus, Modernized Jeep)
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B,B1,B2,C,D at wala kang Code BE Y hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code BE ay para sa mga Private Light Vehicles gaya ng SUVs o Pickup SUVs na pwedeng lagyan ng Dugtong.
*Kung ikaw ay Holder ng Professional Driver's License na may Restriction Code na may A,A1,B,B1,B2,C,D,BE at wala kang Code CE ay hindi ka pwede magmaneho ng mga sumusunod.
-->Dahil ang code CE ay para sa mga HEAVY TRUCKs gaya ng Dropside o Trailer Trucks na pwedeng lagyan ng Dugtong.
゚viralfbreelsfypシ゚viral
゚