15/01/2025
AFTER SEVEN YEARS NA RELASYON
Hi, nais ko sanang ibahagi ang aking kwento π
Noong kami ay magkasintahan, siya ay highschool pa at alam ko ang sitwasyon niya, kung gaano kahirap mag-aral dahil sa financial na aspeto. Noong mga panahong iyon, nagsikap akong tumulong at magbigay sa mga pangangailangan niya sa pag-aaral kasi alam ko na kailangan din niya ng katuwang sa buhay. Para sa akin, bata pa ako noon, nagpromise ako na kapag nakapagka-jowa ako, gagawin ko lahat para maramdaman ng partner ko na tunay ang pagmamahal ko sa kanya. Noong nag-aaral siya, marami akong sakripisyo para sa kanya, nagmamasada ako, pumasok sa construction, nagtrabaho sa nyugan, lahat para matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Ayokong makita siyang malungkot o umiiyak dahil sa kakulangan. Dahil sa mga pagsisikap ko, nakatapos siya at sobrang saya namin dahil sa kabila ng lahat ng paghihirap sa buhay, nakatapos siya, pero alam ko na hindi pa tapos ang mga sakripisyo ko dahil may apat pang taon siyang tatahaking kolehiyo. Alam ko sa sarili ko na mas mabigat pa ang mga sakripisyo na dapat kong gawin para magpatuloy siya sa kolehiyo. Hindi rin madali ang dinaanan niyang journey at naintindihan ko iyon bilang partner niya.
Noong nagkolehiyo siya, nandiyan ako para tulungan siya at tustusan ang lahat ng pangangailangan niya. Ginawa ko ang mga trabahong hindi ko pa naranasan para lang may pambili siya ng pagkain, pamasahe, at iba pa. Pero hindi ko pinagsisisihan na matulungan ko siya. Palagi akong nariyan para sa kanya kasi alam ko at nauunawaan ko ang pakiramdam ng mawalan ng katuwang.
Fast forward, nang magtapos siya ng kolehiyo, sobrang saya namin dahil iyon na ang huling hakbang niya sa pag-aaral at para makapagtrabaho at makatulong sa pamilya niya. Talaga, hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan ko nang makita ko siyang tumanggap ng diploma. Sa mga panahong iyon, hindi lang siya ang nanalo, pati ako bilang katuwang niya sa hirap at saya. Ginawa ko ang lahat, walang pag-aalinlangan at walang pagsisisi. PERO PAGKATAPOS NG GRADUATION, MAY SOBRANG SAKIT NA DUMATING SA BUHAY KO AT IYON AY ANG PAGLISAN NIYA SA AKING MGA KAMAY. Mga dalawang linggo matapos ang graduation niya, umalis siya at noong umuwi ako galing sa pamamasada, wala na akong nakita sa mga gamit niya. Hindi ko inisip na gagawin niya iyon, kasi pakiramdam ko mahal din niya ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang tanggapin ang nangyari sa buhay ko. Buong buhay ko, pinangarap ko ang magkaroon ng partner na maaalaga at mapagmahal. Pero sa nangyari sa buhay ko, sobrang hirap mag-move on at mag-let go. Isang buwan matapos ang pag-alis niya, nalaman ko na may iba na siyang boyfriend. Kaya naman talagang sakit sa puso. Hindi ko inaasahan na aalis siya sa buhay ko nang ganun-ganun lang, na kahit isang salita o paalam, wala siyang iniwang mensahe. π
Sakit talaga na makita mong ang taong minahal at sinustentuhan mo sa lahat ng bagay, bigla na lang mawawala na parang bula. πππ
"Noralyn Longyapon, salamat sa sakit." πππππππ
- Jay-ar Budta Manapos