
15/06/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ง
Lantarang katotohanan,
Naglalaman ng nakaraan.
Sa pagpihit ng pintuan,
Kasiyahan ay siyang nasilayan.
Ang dating kaganapan, na parte na lamang ng isang larawan...
Hanggang dito na lang ba masisilayan?
Mga kamay na marahas,
Sa tuwing akoโy tinitirintasโ
Tila may bahid na ng pagkabanas.
Mga kamay na hirap sa buhok na parang lumalagaslas,
Sabay tingin sa salamin, bubungad ang pigura ni Malakas...
Hawak-hawak ang suklay, habang hinahati ang puwas.
Dali-daling kikilos,
โDi alintana ang kanyang ayos,
Makita lamang ang ngiting tumatagos
Sa pusong dati ay ubos.
Na kahit salat man sa pamilyang kapos,
Ang kanyang tindig ay may dalang pag-ibig na lubos.
Sa unang pagkakataon,
Naranasan kong tumalon...
May tumayong haligi sa tabi, hindi tulad noon.
May kasama nang sinasalubong ang mga alon,
Habang akay-akay ang mga pabaon,
Kahit lumipas man ang panahon.
Salamisim sa salamin...
May ipagtatapat akong isang lihim:
Ang totooโy ayaw talaga noong una
Magkaroon ng bagong matatawag na amaโ
Bunsod ng nasaktan nang lubusan at nawasak,
Sa pagtalikod ng sariling dugo at laman.
Natatakot na muling humapdi ang sugat
Na piniling ibaon sa limot ng katahimikan.
Ngunit kahit sarado na ang pintuan,
May nakabukas pa rin palang bintana.
Dating tahanang papaguho na,
Napalitan ng haliging mas dakila.
Sa iyong presensya ay tuluyang nahalinaโt
Pinunan ang kulang na pahina.
Iyong pinagbutihan nang maigi,
Nariyan ka sa bawat sandali.
Inayos ang dating sinira ng pait,
Na maging ang inang tumatangis ay napapawi.
Nabigyan ng kasagutan ang mga dalangin
Na kaniyang hiniling sa mga tala ng gabi.
Ngayong lumaki na ang paslit sa mundo,
Bibili pa rin ng lobo,
Para sa sariling manika ay ireregalo.
Habang masayang ikukuwento
Ang karanasan sa magiting na sundalo
Sa kanyang mala-bayaning pagdating,
Nang mga oras nangangailangan ng lakas sa bawat pagkatalo.
Salamisim sa salamin...
Ngayong nasilayan ko na,
Ako naman ay may ipagtatapat muli.
Marahil nasaktan ng lubusan,
Noong iwanan at hindi kayang piliin ang sariling anak.
Ako ay nagpapasalamat pa rin
Sapagkat dahil sa kaniyang paglisan
Ay siyang pagdating ng amang tumayo at nagpakitang karapatdapatโna tawaging "Tatay Ko."โณ
Akda ni Niรฑo Balawang
Dibuho ni Justine Delorino