19/07/2025
💍 FAQ: Mga Madalas na Tanong sa Pagbili ng Ginto / Alahas
⸻
1️⃣ Ano ang ibig sabihin ng STD, SPL, VSPL, VVSPL, (ZZZ)VVVSPL?
• ✨ STD (Standard) – Simple design, plain yellow gold.
• ✨ SPL (Special) – May kaunting design o kurba.
• ✨ VSPL (Very Special) – Mas detalyado at artistic ang design.
• ✨ VVSPL (Very Very Special) – Mas bongga at komplikado.
• ✨ (ZZZ)VVVSPL – May diamonds o gemstones, kaya mas mataas ang presyo kada gramo.
⸻
2️⃣ Ang Presyo ng Ginto
• Ang presyo ng ginto per gram ay iisa sa buong mundo (ito ang presyo ng raw gold na hindi pa nagagawang alahas).
• Nagkakaiba lang ang presyo sa tindahan dahil sa:
• 💎 Labor at craftsmanship.
• 🎨 Design o detalye.
• 🌍 Imported o local made.
⸻
3️⃣ Bakit parang ayaw tanggapin sa Cebuana?
• Hindi lang Cebuana ang pawnshop sa Pilipinas. May ibang pawnshops na hindi kasing higpit nila tulad ng:
• MLhuillier
• Palawan Pawnshop
• RD Pawnshop
• Tambunting
• Villarica Pawnshop
• Perapadala Pawnshop
Tip: Kapag mataas ang presyo ng ginto sa merkado, nagiging istrikto ang ilan, kaya magpa-second opinion sa ibang pawnshops.
⸻
4️⃣ Bakit 1.04g sa store pero 1.00g lang sa pawnshop?
• ⚖ Gold stores – Timbangan na 3 decimal places (1.043g).
• ⚖ Pawnshops – 2 decimal places lang (niroround-off).
✔ Normal lang ito, hindi ibig sabihin bawas ang ginto.
⸻
5️⃣ Bakit kulang ang timbang sa pawnshop?
• Magkakaiba ang kalibrasyon ng timbangan.
• 🧼 Cleaning/polish o rounding pwedeng makaapekto.
👉 Tip: Magpa-timbang sa 2-3 pawnshops para sigurado.
⸻
6️⃣ “Saudi Gold” ba yan? Galing ba talaga ng Saudi?
• Hindi ibig sabihin galing ng Saudi ang gumawa.
• 18K gold lang ang standard mula KSA kaya tinatawag na “Saudi Gold.”
• May local-made na gumagamit ng raw gold mula KSA.
⸻
7️⃣ Ano ang pagkakaiba ng Saudi, Japan, at Chinese Gold?
• 🟡 Saudi Gold – 18K (75%), pale yellow, mas matibay.
• 🇯🇵 Japan Gold – High-quality finish, mas solid at mas mahal.
• 🇨🇳 Chinese Gold – 21K pataas, matingkad ang kulay, pero mas malambot.
⸻
8️⃣ Paano suriin ang totoong ginto?
• Hallmark Stamp – Hanapin ang marka (18K, 750, 916, etc.).
• Magnet Test –
Ang hollow o manipis na alahas ay kadalasang may halong alloy para tumibay, kaya posibleng namamagnet.
• Acid Test – Para malaman ang karat.
• XRF Testing – High-tech, walang damage.
• Second Opinion – Sa trusted pawnshop o jeweler.
⸻
Reminder:
“Hindi lahat ng totoong ginto ay 100% hindi namamagnet, lalo na ang hollow o manipis na alahas. May halong alloy ito para tumibay. Kapag duda, tingnan ang hallmark at magpa-second opinion!”
⚠️ DISCLAIMER:
Maaaring magkaiba ang appraisal o patakaran ng bawat pawnshop. Para sa mas tiyak na presyo o pagsusuri ng alahas, magpakonsulta sa professional jeweler o pawnshop.
CTTO.