Roam Newsnet

Roam Newsnet 🌐 Welcome to ROAM NewsNet! 🌟
Roving Online Advanced Media
– Where stories travel as fast as you do.

Ang alamat ng OPM na si Pilita Corrales, kilala bilang "Asia's Queen of Songs," ay pumanaw na sa edad na 85, ayon sa anu...
12/04/2025

Ang alamat ng OPM na si Pilita Corrales, kilala bilang "Asia's Queen of Songs," ay pumanaw na sa edad na 85, ayon sa anunsyo ng kanyang pamilya noong Abril 12. Ibinahagi ng kanyang apo, ang aktres na si Janine Gutierrez, ang balita sa Facebook at ipinaabot ang kanilang labis na pagdadalamhati.

PALAWAN, PINANGALANANG WORLD'S BEST ISLAND NG 2025Muling pinatunayan ng Palawan ang pagiging isa sa mga nangungunang des...
12/04/2025

PALAWAN, PINANGALANANG WORLD'S BEST ISLAND NG 2025

Muling pinatunayan ng Palawan ang pagiging isa sa mga nangungunang destinasyon sa mundo matapos makuha ang No. 1 spot World’s Best Island To Visit in 2025 ayon sa U.S. News & World Report.

Ang Palawan ay dinarayo ng mga turista dahil sa mga natatanging tanawin tulad ng malinis na tubig ng Kayangan Lake sa Coron, ang magagandang lagoon ng Bacuit Bay sa El Nido, at ang mga kuweba ng Puerto Princesa Subterranean River. Para sa mga nais ng mas payapang bakasyon, may mga tahimik na dalampasigan at masaganang marine life na perpekto para sa snorkeling at pagpapahinga.

Pinakamainam bisitahin ang Palawan tuwing tag-init, mula Nobyembre hanggang Mayo. Subalit, dahil sa dami ng mga turista sa panahong ito, mahalagang magplano nang maaga para sa akomodasyon at tours.

DANGER HEAT INDEX ALERT SA TALISAY, BATANGASNgayong 8:00 AM, nakapagtala ang Talisay, Batangas ng heat index na 43°C, na...
12/04/2025

DANGER HEAT INDEX ALERT SA TALISAY, BATANGAS

Ngayong 8:00 AM, nakapagtala ang Talisay, Batangas ng heat index na 43°C, na nasa kategoryang DANGER ayon sa mga lokal na awtoridad. Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat at sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na dulot ng init.

Pinaaalalahanan ang publiko na manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw mula 10 AM hanggang 4 PM, at gumamit ng sunscreen, sombrero, o payong bilang proteksyon. Inirerekomenda rin ang pananatili sa malamig o maaliwalas na lugar.

Bantayan ang mga senyales ng heat exhaustion tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at sobrang pagpapawis upang maiwasan ang mas malalang kondisyon.

Nanawagan ang mga awtoridad na unahin ang kaligtasan sa panahon ng matinding init. Para sa pinakabagong impormasyon, sundan ang MDRRMC Talisay, Batangas at DOST-PAGASA.

11/04/2025

Higit pa aniyang pagtitibayin ang batas para sa mga senior citizen at dapat direktang ipahatid ang tulong sa kanilang sektor at iwasan na sila ay ipatawag pa para lamang matanggap ang kanilang tulong para hindi na sila mahirapan pa. Ito ang naging tugon ni Atty. Mar Panganiban, isa sa mga tumatakbong Congressman sa Lipa City. Ayon kay Panganiban, dapat dagdagan pa ng pangil ang batas para sa mga senior citizen para sa higit pang ginhawa ng kanilang sektor.

11/04/2025

Sa kanyang naging pagbisita sa Lipa City, pinangunahan ni dating DILG Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. ang isang dayalogo kasama ang mga magsasaka at iba pang sektor pang agrilultura. Sa nasabing pulong, tiniyak ni Abalos na isusulong niya ang pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law kung siya ay mahalal sa Senado.

Ayon kay Abalos, kailangang bigyan ng kapangyarihan ang NFA upang direktang bumili ng palay mula sa mga magsasaka sa makatarungang presyo at agad na maipamahagi ito. Ipinaliwanag niya na ang kasalukuyang batas ay naglilimita sa kakayahan ng NFA na tumulong sa mga lokal na magsasaka, kaya’t iminungkahi niyang ibalik ang dating kapangyarihan ng ahensiya upang mapanatili ang seguridad sa pagkain at abot-kayang presyo para sa publiko.

Pinuri ni Abalos ang kontribusyon ng mga magsasaka bilang tagapagpakain ng bansa at nangakong tutugunan ang kanilang mga isyu at pangangailangan.

Kauna-unahang OFW Convention and Tourism Center sa Pinas ,  Itatayo sa Laurel, BatangasLaurel, Batangas – Isang makabago...
09/04/2025

Kauna-unahang OFW Convention and Tourism Center sa Pinas , Itatayo sa Laurel, Batangas

Laurel, Batangas – Isang makabago at kauna-unahan sa Pilipinas ang Convention and Tourism Center na itatayo sa isang 7,000 square meters na donasyong lote sa bayan ng Laurel, Batangas, ayon kay OFW Party List Congresswoman Marissa "Del Mar" Magsino.

Ayon kay Cong. Magsino, ang proyektong ito ay magdadala ng malalaking oportunidad para sa mga mamamayan ng Laurel at Batangas. "Makakalikha tayo ng maraming trabaho at mabibigyan ng bagong sigla ang turismo sa ating bayan at lalawigan," aniya.

Ang nasabing convention center ay dinisenyo upang maghost ng iba't ibang event para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya. Kakayanin nitong mag-accommodate ng hanggang 1,000 katao para sa mga kumperensya, seminar, at iba pang espesyal na pagtitipon.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon nito sa taong 2027, na magsisilbing isang simbolo ng pagkilala at pagbibigay halaga sa kontribusyon ng mga OFW sa pag-unlad ng bansa.

Nadamay ang tinatayang 200 mga sasakyan nang sumiklab ang sunog sa loob isang industrial park sa Brgy. Pagaspas Tanauan ...
06/04/2025

Nadamay ang tinatayang 200 mga sasakyan nang sumiklab ang sunog sa loob isang industrial park sa Brgy. Pagaspas Tanauan City kaninang tanghaling tapat sa kasagsagan ng mainit na panahon sa Batangas.

Nagsimula ang sunog sa isang kompanya ng mga premium foods habang nadamay naman ang kalapit nitong logistic trading company.

Damay rin ang mga ibat-ibang uri ng mga sasakyan na nakaparada sa lugar.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog habang ipinagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Idineklarang fire out ang sunog ganap na 3:00 ng hapon.

Wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog.

GRASSFIRE SA TAAL VOLCANO, PATULOY; 5 HEKTARYA LUPAIN NASUNOGHindi pa rin naapula ang apoy na tumutupok sa Timog Kanlura...
01/04/2025

GRASSFIRE SA TAAL VOLCANO, PATULOY; 5 HEKTARYA LUPAIN NASUNOG

Hindi pa rin naapula ang apoy na tumutupok sa Timog Kanluran bahagi ng Taal Volcano Island bunsod ng grassfire.

Sa inisyal na assessment ng Bureau Fire Protection ng San Nicolas Batangas na agad rumesponde sa sunog tinatayang aabot sa limang hektarya lupain ng bulkan ang ngayon ay nasusunog.
Sa report ng PHIVOLCS-DOST apektado ng grassfire ang Binintiang Munti Observation Station (VTBM).

Nagsimula ang sunog bandang 11:24 ng umaga base sa record ng IP Camera ng VTBM at IP Camera ng VTAG sa Agoncillo, Batangas.

Matagumpay na isinagawa ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) ang turnover ng mga nakumpiskang ilegal na sig...
29/03/2025

Matagumpay na isinagawa ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) ang turnover ng mga nakumpiskang ilegal na sigarilyo sa Bureau of Customs (BOC) noong Marso 29, 2025. Ang kontrabando, na nagkakahalaga ng PhP 439,000 at binubuo ng 733 reams ng sigarilyo, ay nasabat noong Marso 3, 2025, sa Fish Port ng Real, Quezon.

Tumanggap ang BOC ng sertipiko ng turnover bilang opisyal na patunay ng pagtanggap at kustodiya ng mga naturang sigarilyo. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng CGDSTL laban sa smuggling at ilegal na kalakalan.

Pangatlong Tulay sa Barangay Lumangbayan, Pinamalayan, PinasinayaanPormal na binuksan noong Marso 24, 2025 ang pangatlon...
29/03/2025

Pangatlong Tulay sa Barangay Lumangbayan, Pinamalayan, Pinasinayaan

Pormal na binuksan noong Marso 24, 2025 ang pangatlong tulay sa Barangay Lumangbayan, Pinamalayan, Oriental Mindoro. Ang proyektong ito ay bahagi ng mga imprastrakturang pinondohan ng pamahalaang nasyunal at isinakatuparan sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Southern Mindoro District Engineering Office (SMDEO).

Nauna nang binuksan noong 2022 ang dalawang tulay na katulad din ng kabubukas lamang na tulay kung saan layon niton mapabuti ang koneksyon at daloy ng transportasyon sa lugar.

Dumalo sa seremonya ng pagpapasinaya sina Engr. Alfredo Enriquez Jr., Chief ng Construction Section ng DPWH SMDEO; Engr. Dado Romey, Project Engineer; Pinamalayan Mayor Aristeo Baldos Jr.; Vice-Mayor Rodel Magsino; mga miyembro ng Sangguniang Bayan; mga barangay leader; at si Congressman Alfonso V. Umali, Jr. (Second Congressional District). Kasama rin ang iba pang kilalang personalidad sa pulitika.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Congressman Umali ang papel ng taumbayan sa proyekto. Aniya, “Sa totoo lang, hindi po ako ang nagpagawa nito. Ang nagpagawa nito ay kayo. Kayo ang nagbabayad ng buwis. Kami ay tagapagpadaloy lamang. Wala hong nanggaling sa sarili kong bulsa. Lahat ng ito ay pera ng taumbayan.”

Ang bagong tulay ay inaasahang magpapabilis ng transportasyon at magpapabuti sa kabuhayan ng mga residente ng Barangay Lumangbayan at karatig na lugar.

28/03/2025

BREAKING NEWS: Gusaling Ginagawa sa Chatuchak, Gumuho Dahil sa Lindol sa Bangkok

Gumuho ang isang gusaling itinatayo sa Chatuchak area matapos maramdaman ang malalakas na pagyanig sa Bangkok dulot ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar.

Ayon sa mga paunang ulat, may mga trabahador na na-trap sa loob ng gumuhong gusali. Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon sa bilang ng mga nasugatan o nasawi.

[Bagong Update] Iniulat ng National Institute for Emergency Medicine na nasa 43 trabahador ang posibleng na-trap sa loob ng gusali.

Ang naturang gusali, na may taas na 30 palapag at kasalukuyang nasa ilalim ng konstruksyon, ay pagmamay-ari umano ng Office of the Auditor General.

Manila, Philippines – 2025 — Nasungkit ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino ...
27/03/2025

Manila, Philippines – 2025 — Nasungkit ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus Online Baccarat Grand Jackpot matapos nitong sundin and kanyang intuwisyon na tumaya.

“Ginising ko ang asawa ko. Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’” aniya, tila panaginip pa rin ang pagkapanalo.

Dagdag pa nito, hindi raw araw-araw ang kanyang paglalaro, kontrolado at may disiplina pa din sa kanyang bawat pagtaya. “Usually once or twice a week lang ako. Pero that time, nakita kong wala pang nanalo sa Grand Jackpot, kaya nag-deposit ako at sinubukan.”

Bago pa mangyari ang nasabing pagkapanalo, nakamit na din niya ang isang minor prize sa Online Baccarat at minsan na ring napalago ang kanyang dalawang libong piso (₱2,000) na taya na umabot sa isang milyong piso (₱1,000,000), na siyang naging dahilan kung bakit ipinagpatuloy nito ang pagtaya sa nasabing laro.

Bukod sa pagsuporta sa pamilya at pag-iipon, pagpapalawak ng negosyo ang kanilang pangunahing prayoridad na paglalaanan ng kanyang napanalunan. Dahil para sa kanya, “Sa business, may good days at bad days. At least ngayon, may back-up na ako.”
Ngunit sa kabila ng tagumpay, hindi niya itinangging may pagdududa siya sa mga online platform noon, na kalaunan ay nagbago matapos ang lahat ng karanasan niya sa paglalaro sa Casino Plus. Pagdidiin niya, “May mga artista na endorser, at ‘yung live dealer setup — kita mong real, hindi parang machine lang. Kaya ngayon, masasabi kong fair at legit ang platform.”

Sa kasalukuyan, itinala ang Casino Plus na may pinakamalaking Online Baccarat jackpot sa kasaysayan ng Pilipinas na nagkakahalaga ng ₱102,576,582.94, kung saan labing isang jackpot winners ang naghati-hati rito. Bukod sa ₱30 milyon na jackpot winner na binanggit, ang iba pang sampung nanalo ay nag-uwi naman ng premyong mula ₱3.7 milyon hanggang mahigit ₱22 milyon kada isa. Maituturing itong patunay na malaki ang tiwalang ibinibigay ng mga manlalaro sa Casino Plus.

Address

Lipa City
4267

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Roam Newsnet posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Roam Newsnet:

Share