04/04/2025
Totoo po ba na ang tarot cards ay ginagamit din sa witchcraft?
May narinig po ako na dalawang tao na nag-uusap na may sinabi na ang mga tarot cards daw ay ginagamit din sa mga ritwal ng witchcraft. Hindi ko naman sila matanong kung bakit dahil parang seryoso at malalim ang kanilang pinag-uusapan. Isa pa, hindi nila ako kakikila at inabot ako ng hiya. Ang tao na nagsalita ng bagay na iyan ay may malaking kuwintas sa dibdib na may punong kahoy sa gitna at may kuwago sa bandang itaas. Sir Aki, totoo po ba iyon? — Rufing ng Nueva Ecija.
Sagot ni Sir Aki Catulunan:
Ang nakita mo na kuwintas ay tinatawag na “tree of life pendant”. Isinusuot iyon ng mga
practitioner ng “Wicca” o “Witchcraft” bilang statement of faith ng kaniyang magickal practice. Hindi ko lang masabi kung anong path siya.
Oo tama ang narinig mo. Sa totoo lang, ang tarot cards ay hindi ginagamit na hiwalay sa witchcraft dahil itinuturing ng mga “legit witches” na ang “tarot cards” at “witchcraft” ay “siamese twin”.
Kung nakakita ka na ng picture ng dalawang tao na makakabit ang katawan, ganoon ang “siamese twin”.
Kung pipilitin silang paghiwalayin ay maaaring ikamatay ng kambal.
Ang mga ritwal sa tarot cards ay may 4 na categories:
1st: Love Spells,
2nd: Prosperity Spells,
3rd: Success Spells, at
4th: Miscellaneous Spells
Ang mga ritwal ay may kalakip ng iba’t ibat tarot cards depende sa intention tulad halimbawa ng:
Para paibigin ang nililigawan: The Lovers Tarot Card
Para mawala ang mga utang: The Five Pentacles Tarot Card
Para magkaroon ng tapang: The Sun Tarot Card
Para ligtas sa paglalakbay: The Knight of Wands Cards
Sana ay nasagot ko ang tanong mo ayon sa kasiyahan mo.
Sumasaiyo,
Maestro Aki Catulunan