
03/07/2025
“Ito Na Ba 'Yun?”
Minsan, mapapaisip ka talaga.
Ito na ba ‘yung success?
Pero bakit parang may kulang? Parang may tinatawag sa 'yo sa labas ng pader na kinasanayan mo.
Hindi mo alam kung anong eksaktong hinahanap mo, pero ramdam mong may dapat kang tuklasin pa.
Hindi naman dahil hindi ka masaya,
pero baka may iba ka pang pwedeng marating.
Baka hindi ka pa sa “ending,” baka nasa gitna ka pa lang.
Hindi pagiging ungrateful ang gustong lumago.
Hindi kabaliwan ang magtanong,
“Tama pa ba ‘to? May mas ikabubuti pa ba ako?”
Growth is not always loud. Minsan, tahimik itong kumakatok.
Sa puso. Sa gabi.
Sa maikling pahinga sa gitna ng klase.
So if you’re thinking of new possibilities, maybe it's not escape.
Maybe it's expansion.
Dahil minsan, success is not where you are.
It’s where you’re brave enough to go next.
🍒