30/08/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ง๐ | Libu-libong mga bagong mag-aaral, kasama ng kanilang magulang o tagapangalaga, ang nagtipon sa Politeknikong Unibersidad ng PilipinasโLopez Campus (PUPLC) mula Agosto 25 hanggang 27 para sa Balik Sintaโisang taunang programa bago magsimula ang mga klase sa bawat akademikong taon sa maagang bahaging ito ng pasukanโbilang opisyal pagtanggap sa mga freshmen para sa taong-panuruan 2026โ2027.
Bahagi ng tatlong araw na aktibidad ang serye ng oryentasyon para sa mga bagong mag-aaral at kanilang mga magulang ukol sa mga patakaran ng unibersidad, proseso ng pag-enroll, at mga serbisyong gaya ng guidance office, mga kumpletong medikal na naglalayong matiyak ang mga pangunahing pangangailangang pangkalusuganโkabilang ang dengue vaccination, mga serbisyo sa dental clinic, at mga scholarship assistance para sa mga iskolar ng bayan.
Bukod dito, nagbukas din ng kani-kanilang mga booth ang iba't ibang student organizations at akademikong departamento upang ipakilala ang kanilang mga proyekto, gawain, serbisyo at pagkakakilanlan sa mga bagong pasok, bilang paraan ng pagtulong sa mga freshman na mahanap ang angkop na komunidad sa loob ng kampus.
Isa sa naging highlight ng okasyon ang Oath-Taking Ceremony, na dinaluhan ng mga opisyal ng unibersidad, kung saan pormal na nanumpa ang mga bagong pinuno bilang pagtanggap sa kanilang tungkulin sa loob, maging sa labas ng PUP. Sinundan ito ng maikling talumpati mula sa mga kinatawan ng administrasyon hinggil sa kahalagahan ng disiplina at akademikong pagsisikap.
Ginanap din ang Recognition Program sa huling araw ng selebrasyon, kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral at organisasyong may natatanging kontribusyon sa nakaraang taon ng operasyon sa kampus. Ang tagumpay na tangan ng bawat nagkamit ng karangalan ay inaasahang magsisilbing apoy upang mas lalong umabante sa byahe ng pagkamit sa minimithing pangarap.
Ang taunang programang ito, ayon sa mga tagapangasiwa, ay idinisenyo upang tulungan ang mga mag-aaral mabigyan ng panahon mai-kondisyon ang sarili sa paglipat mula senior high school patungo sa buhay kolehiyo, at upang mabigyan din sila ng impormasyon bago pa nila simulan ang kanilang pinakaunang semestre.
Kaakibat nito, hinimok din ang mga bagong mag-aaral na bago sa unibersidad na makilahok sa mga organisasyon at mga gawain sa paaralan bilang panimulang aktibidad para sa kanila sa buong akademikong taon. Nagbibigay ito ng pagkakataon at espasyo para sa mga freshmen na ipakita ang kanilang mga talento at kakayahang maaari nilang mai-ambag sa unibersidad.
Sa pagsasara ng Balik Sinta 2026, inaasahan ng PUPLC na opisyal nang makapagsisimula ang mga klase sa mga susunod na linggo, kasabay ng pormal na pagbubukas ng bagong akademikong kalendaryo 2026โ2027.
โ๏ธ | Kyna Derecho at Pio Matienzo III
๐จ | Lois Villanueva