29/10/2025
HAPPENING NOW | Kasalukuyang nagtitipon-tipon ang sangkaestudyantehan ng Kolehiyo ng Pagsasaka at Agham Pampagkain, maging mga mag-aaral mula sa ibang kolehiyo sa IWEP Lecture Hall, ngayong Oktubre 29, 2025, upang pag-usapan at pagnilayan ang kasalukuyang estado ng pambansang pagsasaka sa Educational Discussion hatid ng UP Entomological Society na LAND, LIFE, AND LIBERATION: An Educational DIscussion on Peasants, Indigenous Struggles, and Integrated Pest Management.
Tampok sa gabing ito si Sophia Denise Diaz, Konsehal ng Konseho ng mga Iskolar ng Kolehiyo ng Pagsasaka at Agham Pampagkain, upang bigyang diin ang kampanya ng mga pesante at katutubo ng Timog Katagalugan, lalong-lalo na ang kinahaharap ngayong militarisasyon sa kanayunan, paglaban tungo sa tunay na reporma sa lupa, at panghihimasok ng mga korporasyon. Kasama niya sa gabing ito ang ilang mga eksperto at mag-aaral na bibigyang lalim ang iba pang usaping pampagsasaka.
Inaanyayahan ng CAFSSC ang bawat isa na dumalo sa talakayan ngayong gabi upang mapagtanto ang tunay na laban ng mga pesante bilang hakbang upang maibida ang mga magsasaka ngayong Buwan ng mga Pesante at mga Katutubong Pilipino.