28/05/2025
Ibig mo bang sumama sa amin sa pagbabalasa ng manghal at isa’t isahin ang mga baraha?
Sinasabi na karamihan sa mga nagpakadalubhasa sa computer science, tanging 38% lamang ng mga kababaihan ang aktibong nagtatrabaho sa kanilang larangan kumpara sa kalalakihan na 53%. Higit sa lahat, mas mababa ang representasyon ng mga hayagang pinapakilala ang sarili bilang parte ng LGBTQ+ na tinatayang binubuo lamang ng 2-3% sa kabuuan ng sektor ng teknolohiya. Karamihan sa kanila ay araw-araw na kinakaharap ang mga balakid na ito na humahadlang sa kanilang pagpapaunlad ng sariling propesyon kahit na sila ay karampatang kakayahan at potensyal. Sa industriyang dinodomina ng iisang kasarian, panahon na para hamunin ang mga paulit-ulit na isyung hinaharap ng karamihan.
Ngayon, balahasin na natin ang laro at hawak na namin ang mga barahang magpapatunay rito:
🃁 Kodigo 1: Magpatupad ng pantay at ingklusibong mga patakaran sa pagtanggap ng mga empleyado at pagbibigay ng mga benepisyo
🂾 Kodigo 2: Patibayin ang dibersidad ng mga kasarian at ingklusibong representasyon
🂭 Kodigo 3: Isulong ang didyital na ekidad at ingklusibong mga ugnayang pang-suporta
🃛 Kodigo 4: Tiyakin ang ligtas at tumutugon na kapaligiran sa trabaho
Handa ka na bang ibaba ang iyong baraha para sa isang industriya ng IT na para sa lahat?
Dahil sa larong ito, alam naming lahat ay karapat-dapat sa pantas na mga baraha.