07/10/2025
𝙋𝙨𝙨𝙩, 𝙥𝙨𝙨𝙩, 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙗𝙖 𝙖𝙮…
𝙉𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙞𝙡𝙞𝙝𝙞𝙣?
𝙉𝙖𝙞𝙨 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙚𝙭𝙥𝙡𝙤𝙞𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙍𝙍𝙄?
𝘼𝙮𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙙 𝙜𝙧𝙖𝙗𝙗𝙚𝙧𝙨 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙧𝙖𝙠𝙤𝙩?
𝘼𝙩 𝙣𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙧𝙚𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙪𝙥𝙖?
Oh, ‘di ano pang hinihintay mo? 𝐁𝐄 𝐀 𝐏𝐄𝐀𝐒𝐀𝐍𝐓 𝐀𝐃𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐄 𝐍𝐎𝐖! ✊
Ngayong buwan ng Oktubre, ginugunita natin ang mahalagang papel ng mga pesante sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain at malaking ambag nila sa ekonomya ng bansa. Pinagpupugayan din natin ang kanilang patuloy na pakikibaka para sa maunlad na lokal na produksyon na hindi umaasa sa importasyon, tunay na reporma sa lupa, at paglaban sa korupsyon ng gobyerno.Ngunit bakit kung sino pa ang sa araw-araw ay nagbubungkal, sila pa ‘tong sa pagkain ay sinasakal at ninanakawan?
Mula noon hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mahirap ang mga magsasaka. Patuloy silang pinagsasamantalahan ng mga panginoong maylupa at mga burukrata kapitalista sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang pang-aagaw ng kanilang lupang sinasaka para sa mga proyektong dam, subdivisions, resorts at iba pang real estate expansion isinasagawa sa iba’t ibang probinsya. Walang habas pa ang iba’t ibang porma ng panunupil at pagpapatahimik ang nararanasan nila mula sa mga panginoong maylupa na kasabwat ang mismong gobyerno sa pamamagitan ng militarisasyon sa mga lupang ilang dekada na nilang sinasaka.
Dagdag pa sa kanilang lumalalang sitwasyon ang kakarampot na sahod at tumataas na presyo ng mga panustos sa pagsasaka. Sa kabila ng kanilang serbisyo upang masigurado ang sapat na produksyon ng pagkain, patuloy na niyuyurakan ang kanilang karapatang pantao, kung saan ipinagkakait sa mga pesante ang maayos na kabuhayan. Malinaw na malinaw na lahat ng ito ay bunga ng malawakang development aggression gawa ng Build-Better-More projects ng rehimeng US-Marcos Jr kung saan talamak na pinapairal ang korapsyon..
Dahil dito, ang NNARA Youth - UPLB ay inaanyayahan ang lahat na dumalo sa gaganaping 🌟 𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐧𝐠 𝟔𝐏𝐌 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐔𝐏𝐋𝐁🌟. Mas lalo pang palalimin ang kaalaman tungkol sa tunay na kalagayan ng mga pesanteng magsasaka at makiisa sa pakikibaka laban sa katiwalian na kanilang hindi makatarungang dinaranas. Laksa laksa tayong maging representasyon at boses ng mga pesanteng magsasaka sa pagsulong ng tunay na reporma sa sektor ng agrikultura!
Sa paggunita rin ng buwan ng mga pesante, tayo ay makiisa sa mga gaganaping aktibidad at sama-sama nating ipanawagan, 𝑳𝑼𝑷𝑨 𝑷𝑨𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑴𝑨𝑮𝑺𝑨𝑺𝑨𝑲𝑨, 𝑯𝑰𝑵𝑫𝑰 𝑺𝑨 𝑲𝑶𝑹𝑨𝑷𝑺𝒀𝑶𝑵!📢
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟏-𝟏𝟐: 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟒-𝟏𝟓: 𝐁𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 @ 𝐀𝐠𝐫𝐨𝐥𝐨𝐛𝐛𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐄𝐌 𝐒𝐭𝐚𝐩𝐥𝐞𝐬
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟓: 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐑𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐃𝐚𝐲
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟔: 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐇𝐮𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐲 & 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐚𝐬𝐚𝐧𝐭 𝐌𝐨𝐛 @ 𝐔𝐏𝐋𝐁
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫. 𝟏𝟖-𝟐𝟏: 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫. 𝟐𝟓: 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐭 𝐆𝐢𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 (in partnership with Flying Pusa Production)
𝐌𝐀𝐊𝐈𝐏𝐀𝐌𝐔𝐇𝐀𝐘! 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐁𝐀𝐊𝐀! 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀! 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐍𝐍𝐀𝐑𝐀 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇-𝐔𝐏𝐋𝐁!
https://tinyurl.com/JoinNNARAYouthUPLB
https://tinyurl.com/JoinNNARAYouthUPLB
https://tinyurl.com/JoinNNARAYouthUPLB