01/09/2025
Sa pagtatapos ng ๐๐พ๐๐ช๐ท ๐ท๐ฐ ๐ฆ๐ฒ๐ด๐ช, nawaโy hindi matapos ang ating pagpapahalaga at paggamit ng sariling wika. Patuloy natin itong isabuhay, sapagkat ito ang ating pagkakakilanlan at tulay tungo sa mas malalim na pagkakaunawaan at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
๐ข๐ฃ๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก | ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ
Sa bawat salitang binibigkas, sa bawat pangungusap na iniuukit ng ating dilaโnaroroon ang ating diwa. Sa wika, nasasalamin ang ating puso. Sa wika, nabubuhay ang ating kaluluwa. Ngunit sa gitna ng mabilis na pag-ikot ng mundo, sa pagitan ng banyagang impluwensiya at makabagong teknolohiya, minsan ay nakakalimutan nating tanungin ang ating sarili: Kumusta na ang ating wika?
Tila ba nagiging banyaga na tayo sa sarili nating tahanan. Dumarami ang mga kabataang mas bihasa sa ibang wika kaysa sa sariling atin. Umaagos ang mga salitang dayuhan sa kanilang bibig, at ang Filipino ay naiisantabi, tila isa na lamang opsyonal na anyo ng pag-uusap. Ngunit paanong mangyayari ito kung ang wika ay hindi lamang basta salita, kundi pagkakakilanlan?
Ang wikang Filipino ay hindi likha ng iisang tao o panahonโitoโy bunga ng dugo, pawis, at pakikibaka ng ating mga ninuno. Isa itong pamana, isang kayamanang hinubog ng kasaysayan at pinanday ng kultura. At ngayon, itoโy ipinagkakaloob sa atin. Ngunit hindi para lang gamitinโkundi para ingatan, pagyamanin, at isabuhay.
Ikaw ang wika. Sa bawat salitang pinipili mong bigkasin, ikaw ay nagiging tagapag-alaga nito. Sa tuwing ginagamit mo ang Filipino upang magpahayag ng damdamin, ikaw ay nagbubukas ng pusoโhindi lamang sa sarili mo, kundi sa iba. Sa tuwing pinipili mong magsalita, magsulat, at mag-isip sa ating wika, ikaw ay bahagi ng panibagong kabanata ng ating kultura. Hindi ito maliit na bagay. Sapagkat sa bawat โkumusta,โ โsalamat,โ o โmahal kita,โ may dalang saysayโmay buhay.
Hindi natin kailangang maging makata para magmahal ng wika. Sapat na ang tapat na pagbigkas, ang wagas na paggamit, at ang pusong handang magtaguyod sa kung ano ang atin.
Sa dulo, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. At kung ikaw ang wika, nawaโy maging daluyan ka rin ng ๐๐๐-๐๐๐, ng ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, at ng ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Sapagkat sa bawat salitang may damdamin, muling nabubuhay ang bayan.
โ: ๐๐๐๐๐ง๐ข๐ ๐๐จ๐ฒ ๐๐๐๐ซ๐จ
๐จ: ๐๐ณ๐ก๐ฅ๐๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฅ๐๐๐